CHAPTER 156

396 23 10
                                    

XIA'S POV


[  3  YEARS  AGO  ]


Taimting lang akong naglalakad sa kalsada papunta sa school. Habang kinakalikot ang cellphone ko ay siya namang paglitaw ni Laurent sa gilid ko at masayang naglakad kasabay ko.

"Why don't you seem happy? How was your one week break? Did you take a walk or going to a mall?" tanong niya.

"I'm busy so no I can't take a walk."

"Busy where? Lovelife? Sakit lang sa ulo yan!"

"That's true,"

"But if you really love that person, even if it hurts, it's okay."

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya roon. Kahit maisip mong masakit para sayo ang magmahal pero hindi mo naman maiwan ang taong yun. Dahil nga, mahal mo siya. Kahit masakit, ayos lang. Mahal mo eh.

"Pero hindi masamang itigil ang pagmamahal kung hindi na kaya. Never settle for less. Know your worth. Babae ka pa naman,"

I glance at him, "So kapag lalake wala nang worth?"

He laughed.

"That's not what I mean, silly!" pinitik niya ang noo ko. "Never chase a man. If a man really loves you, he'll be the one chasing you." nakangiting sambit niya.

"You seems matured,"

"Nagmahal na rin kasi ako."

Oo nga pala.

"At hanggang ngayon mahal ko pa rin siya,"

Bakas sa mukha niya na malungkot siya. Pero ngumiti rin siya kaagad para matakpan iyun. Natahimik kami hanggang sa makapasok kami sa school.

Pagpasok sa building ay nalaman agad namin na nagkaroon na naman ng gulo sa pagitan ng section namin at kina Julian. Mukhang nagkainitan na naman sila nina Jared.

Simula Freshmen, magkakasama na kami sa iisang Section. Ang Section D. Hindi kami nadadagdagan at nababawasan. Inilagay na nila kami sa panghuling Section.

"Anong meroon?" Tanong ko.

"Badtrip sina Julian!"

"Deserve niya yun, ginalit niya si Jared!"

Puro sila sigawan. Yung iba naman hindi pa kumakalma.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Laurent.

"Naasar si Miguel dahil hinaras ang kapatid niya. Sabi ni Jared wag niya sasaktan si Miguel pero nalaman niya na pinagtulungan nila si Miguel kahapon." pagkwento ni Logan.

"Sino nangharas?" I asked.

"Kaibigan pa kamo ni Julian."

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon