CHAPTER 152

383 26 7
                                    

XIA'S POV

Mukhang mahihirapan kaming magkaisa sa paghahanap kay Laurent sa araw na to. Isama mo pang galit si Gavin kaya may posibilidad na hindi na talaga namin malaman kung nasaan si Laurent.

Kung hindi lang sana nagpadalos-dalos si Jared hindi lalala ang sitwasiyon. Nararapat lang na sinapak siya ni Jaz kanina. Para naman kahit papaano nahimasmasan siya.

Gusto ko rin siyang sapakin pero mahal ko pa ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung saan nakakuha ng lakas ng loob si Jaz para sapakin si Jared.

Nakakahanga,

"Ang gulo na natin," ani Kenny.

"Ano nang gagawin natin ngayon?"

"Tanga! Sa tingin mo ba sasabihin pa saatin ni Gavin kung nasaan si Laurent?"

"Hindi ako tanga!"

"Tanga ka kaya,"

"Sinabi nang hindi---"

"Shut up, idiots!!" malakas na sigaw ni Elle dahilan para manahimik ang dalawa. "Wala na nga kayong naitutulong puro pa kayo bangayan. Mga useless!" dagdag pa niya.

She is mad.

Lumipas ang ilang oras, naisipan ko munang pumunta sa rooftop para magpahangin. Masyadong magulo ang classroom namin ngayon dahil nagkakainitan pare-pareho. Baka bigla nalang kaming sumabog.

Dala-dala ko ang laptop ko habang naglalakad sa hallway. Hindi kalayuan ay tanaw ko ang mga babaeng naglalakad pasalubong saakin.

Nanliit kaagad ang mata ko nang makilala ko kung sino ang naglalakad.

"Mukhang hindi naisama ng janitor ang basurang ito sa paglilinis kanina," sabi niya.

"Are you talking to yourself?"

"I'm talking to you, bitch!" singhal niya. 'Yuck, talsik laway!'

"I'm sorry, I'm only allowed to talk to humans, not animals." balik ko sakanya.

"Duh! I'm human, Morris! Don't you have brains?"

Napatawa ako ng malakas pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. 'Ano kamo?'

"Sayo na rin nanggaling, I have brain. Plural pa nga, eh. 'brains'? Walang 's' ang brain dahil isa lang ang ulo. Tsk! Mukhang ang pagmamaldita napag-aralan mo pero hindi ang utak mo."

Bahagya ko siyang nilapitan. Bukod sa nababanas ako sa pagmumukha niya ay nababanas rin ako sa hinaharap niyang kulang nalang pumutok sa laki.

"Wag puro dibdib ang pinapalaki, utak din." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Iniwan ko silang galit na galit ang pagmumukha. Dumiretso ako hanggang sa makapunta sa rooftop. Sumalubong saakin ang malakas na hangin na nagmumula sa taas. Nakahinga agad ako ng maluwag.

"Why are you----"

"Kingina!"

"---here?"

Parang napatalon ang puso ko dahil sa nagsalita. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin kay Jared na nakasandal sa barricade ng rooftop. Wala siyang reaksiyon at hawak-hawak lang ang cellphone.

"Required bang manggulat?"

"Answer my question," balik niya saakin.

"Anong masama kung nandito ako? This is not your property."

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon