CHAPTER 190

359 24 12
                                    

JAZ'S POV

Naguguluhan ako kung nasaan ba kami ngayon. Parang kailan lang simula nung lumipat ako rito at mapunta sa section na hindi ko inaasahang mapapasukan ko. Ni hindi naman talaga dapat ako sumama sakanila pero hindi ko rin maiwasan. Para bang  nakakonekta na sila sa buhay ko.

"Anong ginagawa ni Laurent sa bahay ni Prian?"

Napalingon ako sa naging usapan. Parang may apoy na biglang bumalot sa puso ko nang marinig ang pangalan  ni Laurent. Hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin. Ayoko siyang makita pero sa tuwing naaalala ko lahat ng mga pinagsamahan namin, hindi ko maiwasang mamiss lahat ng 'yon.

"Something came up, kailangan ni Prian ng kausap." sabi ni Kenny.

"Bakit hindi nalang ako ang kinausap ni Prian?" sabat ni Logan. "..Magkaibigan naman kami."

"Wala kang kwentang kausap."

"Wala kang kwentang kaibigan."

Sabay na sabi pa ng dalawang magkasintahan. Kung pambibwisit lang naman ang usapan, magpapahuli ba itong dalawa?

"Pangit niyong dalawa. Magbibreak din kayo!" sigaw ni Logan kina Elle at Cassius.

Itinuon ko ang tingin kina Jared at Christy na ngayon ay nag-uusap. Hindi ko sila marinig pero alam kong importante ang pinag-uusapan nila. Halata sa mga mukha nila ang kaseryosohan.

'Ano nga bang pinag-uusapan nila? At bakit may pakialam ako doon?'

Nasa malayong lugar kami ngayon pero ang isip ko ay sa bahay. Bigla bigla ko nalang maiisip si Noah na para bang may kakaiba sakanya. Hindi ko na siya nabibigyan ng oras dahil  lahat ng atensiyon ko ay nandito na. Hindi na nga tama ang ituon ko ang oras ko sakanila. Wala na akong time para mag-aral at sa pamilya ko.

Ano ba talagang rason bakit ako nandito?

"Jaz, ayos kalang ba?"

Napungaw ako sa reyalidad nang biglang may magsalita sa tabi ko. Kita ko ang nag-aalalang reaksiyon ni Kenny habang nakatingin sa akin.

Napansin niyang nakatingin ako kina Jared kaya tumingin din siya roon.

"Selos yarn?" bigla niyang tanong na ikinabigla ko.

"Huh?"

"I mean...nagseselos kaba?" tanong niya ulit.

Mabilis akong umiling bilang sagot. Saka ako akmang maglalakad pero kinaladkad niya ako sa tabi.

"A-anong problema, Kenny?" kinakabahang tanong ko.

Grabe siya kung makatitig sa akin. Halos idikit na niya ang mukha niya sa akin pero wala akong magawa kundi ang mapalunok.

Kinakabahan ako dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin.

"Jaz, may gusto ak-------"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya sa akin dahil mabilis siyang hinawi ng kung sino papunta sa kung saan. Doon ko lang nalaman na si Jared ang may gawa niyon.

Inis namang bumalik si Kenny at balak pa yatang makipag-away kay Jared dahil sa sama ng titig niya.

"Gusto mo yata ng away eh!" matapang na paghahamon sakanya ni Kenny.

"Galing palang tayo sa away, Kenny. Huwag mo na ulit simulan." sulpot ni Christy sa gitna namin.

"Huwag ka ngang makialam?!"

"Binabalaan lang kita."

"Stop doing stupid things, Labrador. 'Di ko kailangan ng babala mo." inis na sabi niya kay Christy at umalis.

Wala lang pakialam si Jared at hawak lang niya ang phone niya kaya nagtaka ako kung ano ba ang ginagawa niya.

"Pupuntahan natin si Prian sakanila?" pagbasag ko ng katahimikan.

Pareho nila akong tiningnan pero wala silang naging sagot. Sa kakakalikot ng cellphone ni Jared ay bigla nalang niya itong ibinato sa kung saan.

BOOM! BASAG!

"Wew!" reaksiyon ni Christy.

"Laurent is not answering." ani Jared.

"Bakit si Laurent ang kino-contact mo?" tanong ko.

"We have business to talk." sagot niya.

"Wow, so, may bugbugan 'to?" inosenteng tanong ni Christy dahilan para tingnan siya ng maigi ni Jared.

Ako naman naguguluhan. Business to talk pero may bugbugan? Ano namang klaseng usapan meroon yun?

"I hope wala." dagdag ni Christy.

"Don't bother." sagot naman ni Jared.

Tiningnan niya naman ako pagkatapos ay lumapit na siya sa sasakyan. Nagkatinginan kami ni Christy bago magawang sumunod sa mga yapak nito.

Nang makalapit na kami ay pinapasok ako ni Jared sa loob. Hindi ko alam kung bakit dalawa nalang kaming umalis sa lugar na 'yon. Wala na ang iba naming kasama dahil iniwan niya.

Ngayon, hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin.

'Argh!'





JARED'S POV

"Sure ka? Bakit hindi nalang sa amin siya magstay muna?" Labrador said. Pertaining to Jaz.

I talk to her for some reason. To recieve advice because as a girl, I know she knew what to do when she is in danger herself. Gusto kong marinig kung ano ang gusto niyang gawin kapag nalaman niyang nasa panganib si Jaz.

What should I do? I heard the other gang's threat about Jaz.

Laganap na ang pangalan niya sa ibang Gang. How is that even possible? Wala namang nakakakilala sakanya rito.

Unless, someone knew her before. Baka may nakaaway na siya sa mga grupo ng gang. But, Jaz is just a transferee. Bukod pa roon, hindi naman siya pala away.

Paano nangyari 'yun?

Is this because someone spread the fake news about her being my girlfriend? Alam ko namang hindi fake dahil soon magiging akin siya pero napakabilis naman yata ng panahon.

"Jared, anong plano mo?"

I woke up from a deep thinking when Labrador talk again with unpleasant tone. Ganyan na ganyan ang paggising niya kapag nakakatulala na ako minsan It was a bit rude but helping, tho.

"What?"

She raised her brow, "Ikaw. Ano nang plano mo? Saan mo dadalhin si Jaz?"

"I really don't know what to do. Balak ko siyang dalhin kay Prian-----"

"Are you crazy?! Bakit do'n? Pinamimigay mo na ba siya?"

My brow raised when I heard her said those inappropriate things.

"Baliw ka ba?"

"Wow, bakit parang ang weird mo mag tagalog ngayon? May accent."

I cleared my throat and glance where Jaz is. Nang mapansin kong kinakausap siya ni Kenny ay pinutol ko na ang pakikipag-usap at nilapitan ko sila.

I've decided to take her in Prian's place since I knew she is safe there. Pansamantala lang naman siya roon. Hindi ko hahayaang magtagal siya doon dahil minsan, walang kontrol si Prian sa sarili niya.

Baka may gawin pa siya sa Jaz ko.


------------------○○○○

[A/N: SORRY FOR THE VERY LONG WAIT, READERS! PASENSIYA NA KAYO, HA? BUSY LANG TALAGA. I WILL UPDATE MORE!]

PS. For those asking me kung tatapusin ko po ba itong SECTION D? The answer is YES, tatapusin ko po siya. IT HAS ANOTHER PART KAYA MAHABA HABA PA ANG PAGTATYPE (SULAT). CHILL LANG KAYO HEHE! THAT'S ALL....THANKYOU AND GODBLESS! ENJOY READING ;)

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon