CHAPTER 161

383 25 10
                                    

JAZ'S POV

Sa pagdaan ng lunch time, hindi namin kasamang kumain si Jared. Lumabas siyang kasama ng babaeng si Haley. Hindi namin alam kung saan sila pupunta pero alam kong sa cafeteria sila magtutungo.

Pinagbaon ko pa naman si Jared. Hindi pwedeng hindi niya kainin yun. Sayang naman.

"Are you bothered?"  tanong saakin ni Nine.

"Bothered from what?"

"You know, sakanila ni Haley?"

Tiningnan ko ang isang baunan na para sana kay Jared. Hindi sila ang iniisip ko kundi ang baon. Kung hindi niya kakainin to sino ang kakain? Hindi ko kayang umubos ng dalawang baon ng pagkain.

"Para kasi kay Jared ang isang baon na dala ko. Pero mukhang hindi na niya makakakain."  sabi ko.

"Bakit hindi mo dalhin sakanya?" suhestiyon ni Kerwin.

"Oo nga, gaya ng ginagawa mo dati."

Gusto kong ihatid sakanya pero baka makaabala lang ako sakanilang dalawa. Seryoso si Jared na lumabas kaya malamang hindi maganda ang mood niya ngayon.

Ayokong magalit siya saakin.

"Go. Ihatid mo na sakanya." ani Kenny.

Lahat sila sumang-ayon.  Wala na rin akong nagawa kundi ang kunin ang baunan at ihatid yon kay Jared.

Hinanap ko siya sa cafeteria pero wala sila roon ni Haley. Dalawa lang naman ang lugar na madalas niyang puntahan. Cafeteria at rooftop lang.

Kung wala sila sa cafeteria malamang nasa rooftop silang dalawa.

Pero ano namang gagawin nila sa rooftop?

Mag-uusap? Anong pag-uusapan? Tungkol saan?

Hays, bakit ba andami kong iniisip? Maghahatid lang naman ako ng pagkain.

Nang malaman kong wala siya sa cafeteria ay umakyat ako sa rooftop. Nanlalamig ang kamay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

May nararamdaman akong hindi ko naman nararamdaman noon. Pero naguguluhan ako.

Magkakilala sila ni Haley,

At pamilyar din saakin ang babaeng yun.  Wala akong ideya kung nagkita na nga ba kami o hindi pa. Pero alam kong may parte sa ala-ala ko na nakita ko na ang mukha niya.

Saan nga ba?

Nasa pintuan na ako ng rooftop at binuksan iyun. Pagbukas ko ng pintuan at nabigla ako sa aking nasaksihan. Literal na napanganga ako dahil nakita kong magkalapit ang mukha ni Jared at Haley.

'A-are they.....? Kissing?'

Napakurap pa ako nang mapansin na nila ng tuluyan na nandoon ako. Nakita kong lumayo agad ang babae kaya napagtanto kong magkadikit nga sila.

'Nag-kiss talaga sila? Imposible yun! I-I mean....h-hindi ako sigurado!'

Nanatiling kalmado si Jared habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Ilang sandali pa'y nakita ko siyang naglakad palapit saakin.

"H-hindi ko sinasadyang makais----"

"We didn't do it,"  sabi niya nang lagpasan niya ako.

'Hindi? Imposibleng hindi. Magkadikit ang mukha nila kanina!'

Sunod na sumulpot ay si Haley. Pinagmasdan ko ang hitsura niya. Matamis siyang ngumiti saakin at tiningnan si  Jared na bumababa sa hagdan.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon