CHAPTER 141

389 28 3
                                    

JAZ'S POV

KINABUKASAN. Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Naabutan kong nagliligpit na si Noah sa living room kaya nagtaka ako.

"Ang aga mo yatang nagising?" tanong ko sakanya.

"I invited your classmates to come over."

Nanlaki ang mata ko. 'Pinapunta niya? Pero...'

*KNOCK! KNOCK!*

Natigilan ako. Tiningnan ako ni Noah habang nakangiti saka lumapit sa pinto. Taranta naman akong umakyat sa taas dahil nakasando pa ako.

"Hi, Noah! Nasaan ang ate mo?"

"Na-miss ka namin. Kumusta ka?"

"Hindi kana pumapasok ah? Malapit na pala ang Christmas Party. Sasali kaba?"

"Nasa taas po siya. Tumakbo po eh."

Naririnig ko pa sila dito sa taas. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghanda at magpalit ng damit. Nakakagulat ang araw na to na nandito na naman sila.

Pero hindi ko na sila pwedeng paalisin. Nandito na sila eh!

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay saka ako lumabas pababa ng sala. Kaagad silang natahimik nang makababa ako pero mas natahimik ako nang makita si Jared na nakaupo na sa couch.

Nagtama ang mga mata namin kaya naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Napaiwas nalang ako ng tingin at pumunta ng kusina.

"Anong nangyari dun? Pulang pula ang mukha."

"Baka kinikilig."

Nasa kusina ako habang inaayos ang mga laman ng cabinet. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sina Elle at Christy. Sinabi nilang magluto ako ng spaghetti sabay lagay ng paper bag sa lamesa.

Pinagluto pa talaga ako.

"Sarapan mo ah?"

"Ay, wow! Demanding ka, Elle."

"Syempre. Ngayon nalang tayo nakakain ng luto niya."

Hindi nalang ako nagsalita. Para rin naman sakanila ito kaya ayos lang. Wala namang masama dahil marunong naman akong magluto.

"Kumusta na si Noah?" biglang tanong ni Christy.

"M-maayos na siya. Pero nasa isip kong wag na muna siyang papasukin dahil hindi pa tapos yung kaso kay Jacob." sagot ko.

"At hindi ka pa nakakausap ng Principal."

"You shouldn't brought that up." sabi ni Christy.

"What? Totoo naman. Gusto siyang kausapin ng Principal pero wala siya dahil kinidnap."

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon