CHAPTER 176

350 23 11
                                    

JAZ'S POV

"A-anong ibig mong sabihin?"

Naguguluhan ako. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Pero malinaw na narinig kong hindi sila magkaibigan. Pero.....hindi naman kapani-paniwala.

"Like I've said...hindi niya ako kaibigan."

Bumalik siya sa pagkakaupo at nakadekwatro ang posisiyon.

"Walang ibang naging kaibigan si Julian kundi si Jared at Prian lang." sabi niya.

"Pero...."

"Bukod pa roon, wala na siyang itinuturing na kaibigan."

Habang sinasabi niya yun ay napapansin kong malungkot siya. Nakakunot lang ang noo ko dahil sa mga nangyari.

Hindi ako makapaniwalang hindi sila magkaibigan.

Gayong nagtutulungan sila sa pagdakip saakin.

"Ang sakit, diba?" tanong niya.

Tumingin ako sakanya. Walang bakas ng nasasaktan ang mukha niya. Bukod sa benda niya ay alam kong nasasaktan talaga siya. Pero ang masaktan sa mga sinasabi niya ay wala akong makita.

"H-hindi ako naniniwala. Kung hindi kayo magkaibigan....b-bakit pa kayo nagtutulungan na makuha ako?!" pinipilit kong hindi taasan ang boses ko.

"Tinutulungan ko siya dahil yun ang utos niya. Ginagawa ko yun dahil......"

Doon palang, hindi na kapani-paniwala. Paano niyang nasasabing hindi sila magkaibigan gayong pareho nila kaming pinapabagsak?

"Pareho niyong pinapabagsak ang section namin. Hindi ako naniniwalang hindi kayo magkaibigan."

Napangisi na naman siya,

"Pinapabagsak? Wala kaming pinapabagsak."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Magulo na talaga ang Section D, bago ka pa dumating. Walang nangangahas na pabagsakin ang Section D dahil alam nilang hindi nila magagawa yun...."

"Anong....."

"...Walang nakakapagpabagsak sa Section D."

Punong-puno ng katanungan ang isip ko. Bakit ngayon ko lang naririnig ang mga 'to? At mula sa taong gusto akong saktan.

Wala akong masabi!

"Hindi ordinaryong section ang kinabibilangan mo. Kasali sila sa Gang---hindi---ang Section D ay isang Gang. Walang nagpapabagsak sakanila dahil hindi yun ang hangad ng ibang Gang. Nakikipaglaban sila sa Section D dahil yun ang patakaran. Yun ang kasunduan nila."

Nakatulala lang ako habang sinasabi niya ito saakin. Sa sobrang daming bagay na nalaman ko ay wala na akong maitanong.

"Kasunduan?"

"Oo. Kasunduan. Kasunduan nilang maglaban-laban. Ang matatalo ay magbibigay ng malaking halaga sa nanalong Gang. Pero isa lang ang alam kong laging nananalo doon. Ang Section D lang."

Bumalik sa isip ko lahat ng mga nangyari noon. Nung mga panahong naospital ako't kinailangang magbayad ng malaking halaga.

Sila ang nagbayad nun.

Kung ganun....?

"K-kung ganun...."

Tumango siya.

"Tama ka. Sa madaling salita...pustahan."

Natahimik ako nang mga sandaling yun. Buong akala ko pinapabagsak sila ng mga taong ito. Buong akala ko....buong akala ko biktima sila ng away.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon