CHAPTER 139

402 27 7
                                    

JAZ'S POV

Nagising ako ng bandang alas dyis ng umaga. Nakatulog ako pagkaalis ni Jared kanina. Hindi ko alam kung papasok 'yun pero bahala na siya. May inis parin ako sakanya.

*Knock! Knock!*

Inilapag ko ang suklay pagkatapos kong gamitin. Pagbukas ng pinto ay nakita ko doon na nakatayo si Noah. Nabigla akong makita na nasa labas na siya ng kwarto niya.

"Ate, kakain na raw tayo." nakangiting sabi niya.

Ngumiti naman ako. "Sige."

Sabay kaming bumaba papunta sa kusina. Naabutan kong naghahain si Mama kaya naupo na kami. Binalingan ko ng tingin si Noah na kakaiba ang enerhiya. Para bang bigla siyang naging masigla.

Anong meroon?

"Kain na." ani Mama.

Magsasandok na sana ako ng kanin nang buhatin ni Noah ang mangkok at iniabot 'yun saakin. Taka ko siyang tiningnan pero kinuha ko nalang din.

Ang weird niya ngayon.

Masaya akong lumabas na siya sa kwarto niya at ngayon ay kasama na rin namin siyang kumain sa hapag. Ilang araw na rin siyang hindi namin nakakasabay.

"Ate....ulam." sambit niya na naman. Nakalahad na sa harapan ko ang isang mangkok ng ulam na adobo.

Nakakapagtaka ang mga kilos ni Noah pero napapangiti ako. Ang sweet niya kasi at natutuwa akong bumabalik ang sigla niya.

"How's your sleep? Masakit ba ang puson mo?" biglang tanong niya.

"H-hindi naman....maayos na ako."

Nagkatinginan kami ni Mama saka tumingin kay Noah. Nakakabigla ang mga tanong niya at kung paano mahinahon ang kanyang pananalita pero nagpapasalamat din ako. Finally.

"Do you have plans later?" he asked again.

Umiling ako. "Hindi ako papasok kaya magpapahinga nalang ako."

"Gusto kong pumunta sana sa Mall."

Napalingon ako sakanya. Gusto niyang.....mag-mall? Sa ganitong panahon?

Inihinto ko ang pagkain at uminom ng tubig. "Did something happened to your head? Nauntog ka ba kaya ka ganyan?" takang tanong ko.

"What do you mean? Are you thinking that I'm crazy?"

"H-hindi ah....n-nakakapagtaka lang kase."

"Gusto kong lumabas. Namiss ko kasing gumala na kasama ka." aniya.

Nakangiti niya akong tinitigan. Nailang naman ako kaya napaiwas nalang ako ng tingin.

"Samahan mo nalang ako sa store mamaya. May bibilhin ako." sabi sakanya.

"Sure!" masiglang sabi niya.

Hindi ko na pinansin ang kakaibang kilos niya at natuwa nalang ako. Wala namang masama kung maging ganito siya dahil ito naman talaga ang enerhiya niya. Cheerful siya at medyo clingy. Mas clingy nga lang ako sakanya.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon