CHAPTER 149

371 24 4
                                    

JAZ'S POV

Paglabas namin ng bar ay naglakad pa kami ng kaunti dahil malayo ang lugar kung saan nakapark ang sasakyan namin. Mabigat na rin si Kenny kaya pinaubaya ko muna kay Jared. Ayokong mapagod.

Pare-pareho kaming huminto muna. Sa bigat ba naman ng katawan ni Kenny, tingnan ko lang kung hindi bumigay ang balikat ko kakapasan para lang maalalayan siyang tumayo.

"Jaazzz? Anooongg ginagaawaa mo dziitoo? Bawall kaa dzittooo! Gagaliit si--*hik* Jare--*hik*" sabi ni Kenny na akay-akay ni Jared.

"Don't talk! You're so heavy!"

"Haaaaa? Haaatddooogg! Hahahaha!"

"Why am I even doing this?"

"Ihatid nalang natin siya sakanila," sabi ko.

Napahinto si Jared at nilingon ako ng nakakunot ang noo.

"What? Are you out your mind, woman?!"

"Wag ka ngang mag-english! Ihatid nalang natin siya. Hindi niya kayang umuwi mag-isa."

Nabigla ako nang makitang ibinagsak niya si Kenny na parang wala lang. Tumawa lang naman si Kenny pero nagmumura sa sakit tapos tatawa naman.

"Jared?! Bakit mo siya binagsak?"

Tinulungan kong makatayo si Kenny.

"He's so heavy and I'm pissed!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga wala siyang awa sa kaibigan niya.

"Alam mo umuwi ka nalang. Sasakay nalang kami sa bus kung ayaw mong tumulong."

"You want me to kill this man for you?"

"Kaya tumulong ka kung ayaw mong magcommute kami."

"Tch!"

Binuhat niya ulit si Kenny. This time hinayaan niyang siya nalang ang umalalay dahil mabagal daw ako maglakad. Pabor naman saakin na siya nalang ang umalalay kaysa naman pagurin ko ang sarili ko eh lalake naman siya. 'Kaya niya na 'yan!'

Paglapit sa sasakyan ay binuksan ko ang pintuan sa hulihan para maipasok niya na si Kenny. Pero baka si Jared yan....basta-basta!

Nauntog si Kenny bago pa man ito makapasok sa loob.

"Araaayyy!" sigaw ni Kenny nang mauntog ito bago pa man makapasok sa loob.

"Jared?!" inis na sabi ko.

Inayos ko si Kenny saka ako pumasok sa loob. Pumasok naman siya sa driver seat pero tumingin siya sa rear mirror.

"Wear your seatbelt. Bibilisan ko lang ang pagmamaneho,"

"Haaa? Anoong bibilishaaann? Tekaa! Shinoo kaaa?! Bakit paraaang kamukhhaaa mooo si Dyareedd?" ani Kenny na halos isubsob na ang mukha sa harapan.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora