Ika-6

9K 162 201
                                    

METEOR POV'

"ASAN TAYO Pupunta?" Nakangusong saad ko kay Pangga. Madilim na ang paligid. Parang kanina nang ikasal kami ay maliwanag pa eh. Kasi eh! Ang dami kasing pinag usapan ni Pangga at Kuya Jayvvinne pero wala akong naintindihan. Kumain lang ako sa gilid. Ang seryoso nilang dalawa. Buti pa yung lalaking nag kasal sa amin. Yung abugado nya? Ang bait kamo.

Pero hindi ko alam kung bakit ayaw ni Pangga na malapit sa akin yung abugado nya. Ala? Baka may germs yung abugado?! WHAAAAAAAAAA! "We where go to the grocery, there is no stock to eat at my house so we have to go shopping, at isa pa sa bahay ko na ikaw titira kaya kailangan maraming stock para sainyo nang anak ko." Malamig na saad ni Pangga.

Napanguso naman ako. "Paano si Kuya Jayvvinne? Saka hindi pa alam ni Airish? Saka yung pancit canton ko! Nasa condo ni Kuya Jayvvinne yung mga gamit ko din. Kaya anong isusuot ko? Hindi ba pwedeng bukas nalang? Saka ala! A-Ayaw ko sa bahay mo. L-Lalo na kapag dalawa lang tayo." Kagat labing saad ko habang iniisip ang mga naiwan ko kapag sumama ako kay Pangga.

WHAAAAAAAAAA! Pumayag naman si Kuya Jayvvinne diba?! Na sumama ako kay Pangga eh?! Hinatid nya panga ako papunta sa Parking lot eh! Kumaway pa sya sa akin at sinabing magiging masaya din daw ako. WHAAAAAAAAAA! Ala! Ala! Ala!! Mukha ba akong malungkot?! Hindi naman diba?!

Saka ala si Airish! Baka sumonod sya sa akin! At WHAAAAAAAAAA! Si Keilla nga pala nakalimutan ko! Ano kayang sasabihin nila sa akin?! Kasi ala naman eh! Pumasok lang kasi ako sa kompanya nung Fuezca na si Pangga pala eh! Akalain nyo yun?! WHAAAAAAAAAA! Nahanap ko kaagad ang Kim Taehyung ko at may asawa agad ako!

WHAAAAAAAAAA! Pumasok lang ako sa Kompanya nun! Paano pa kaya kung pumasok ako sa palasyon?! Hehehe. Joke. May asawa na pala ako. Diba? Kapag may asawa ka? Hindi kana pwedeng mag asawa? Pero ala? Bakit pwede sa amin yun? Pwede kaming mag asawa kahit may asawa na? Ngek talaga.

Saka ala! Yung pancit canton ko nga pala! Ay bibili naman kami sa grocery! Mag papalibre nalang ako nang napaka raming pancit canton kay Pangga! Diba?! Hehehehehehehe! Sana ilibre nya ako nang Pancit canton! Pero WHAAAAAAAAAA! Wala akong damit! Paano ako makakapag bihis?! Ala!

"Tsk nasa bahay ko na yung mga gamit mo." Singhal sa akin ni Pangga. Tinaasan ko sya nang kilay. "Talaga?" Taas kilay na tanong ko dito. Tumango lang si Pangga sa akin. "WHAAAAAAAAAA! Ang bilis naman yata?! Paano mo naman nalaman ha?! Niloloko mo yata ako eh?!" Nakangusong saad ko.

Tinaasan ako nang kilay ni Pangga habang walang expresyon ang mukha. "Bakit naman kita lulukuhin? Kung nag sasabi naman ako nang totoo." Walang expresyong saad ni Pangga. Napanguso naman ako.

Ang cold naman ni Pangga. Kuha kaya ako grater? Tapos gawin ko syang yelo sa halo halo? Diba? Diba? Malapit narin naman ang summer. February narin naman ngayon. Kaya kailangan ko nang maraming yelo. WHAAAAAAAAAA! Pero baka mawala si Pangga kapag kinayod ko sya?!

Kaya huwag nalang pala! Bibili nalang ako nang yelo. Hehehehehehehe! Kumamot ako sa ulo ko. "Eh? Tayo lang ba titira sa bahay mo?" Nakangusong tanong ko. Agad na nanlaki ang aking mata nang tumango si Pangga. WHAAAAAAAAAA!

Kami lang dalawa?! "Yeah tayong tatlo." Tangong saad ni Pangga. Napatango tango naman ako sa sinabi ni Pangga. "Ah tayong tatlo? Tayong tatlo lang sa bahay mo? Ala! Tayong tatlo?! Tayong tatlo?! WHAAAAAAAAAA! Pangga! Dalawa lang tayo eh! Wala naman yata tayong kasama na iba ngayon dito sa kotse mo diba?!" Nagugulantang na saad ko. Habang nakatingin sa kaliwat kanan at hinahanap yung tinutukoy nitong pangatlo.

Ala! Dalawa lang naman kami eh?! Diba! Diba?! Kaya sino yung pangatlo! WHAAAAAAAAAA! May nakikita ba si Pangga na hindi ko nakikita?! Ha?! Ha?! WHAAAAAAAAAA! Sana wala! K-Kasi! Takot ako sa multo eh!

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon