Ika-56

1.9K 48 70
                                    

METEOR POV'

DAHAN Dahan kung minulat ang mata ko. Agad na tumama ang mata ko sa kulay puting liwanag. P-Patay na ba ako? "M-Meteor...." Nakadinig ako ng mahinang bulong sa bandang tenga ko. Pamilyar na boses ang bumulong. Dahan dahan kung sinara ang mata ko bago ko minulat muli ng makatingin ako sa gilid ko. Agad kung na kita si Kuya Jayyvine. Na nag aalalang nakatingin sa akin. "Your awake..." Bulong nya pa. Gusto kung mag salita pero tuyo ang lalamunan ko.

H-Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

"Shh, don't move. Don't push your self to talk. Kailangan mong mag palakas. Kailangan mong mag pahinga. Star is waiting you at home. You need to eat. What do you like to eat?" Sunod sunod na tanong ni Kuya Jayyvine. Hindi ko magawang mag salita kaya tumitig lang ako sakanya. Malalim na bumuntong hininga si Kuya Jayyvine. "I'll buy you some food. Ok? Stay here. I will call the doctor to. Para macheck ka." Bakas sa boses ni Kuya Jayyvine ang tuwa.

Tipid lang akong ngumiti. Tinap nya ang ulo ko bago sya nag lakad palabas. Tinitigan ko ang pag sara ng pintuan. Napaka habang katahimikan ang lumipas bago ko ilibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto. Nakahiga ako habang naka suot ng puting bestida. Nasa loob ako ng tahimik na kwarto. Maraming pulang rosas ang nasa gilid. May mga prutas din. Ang ibang rosas ay malapit ng malanta. Ang iba naman ay bago pa. Napatingin muli ako sa pinto nung bumukas ito. "Gising kana pala." Saad ni Csm. May dala syang box ng pizza.

Nalunok ko ang laway ko. Tuyong tuyo talaga ang lalamunan ko ngayon. At hindi ko din maigalaw ang katawan ko. Parang wala akong maramdaman ngayon. "Tsk. Langya ka Meteor. Bakit hindi mo pinalinis yung sugat mo sa may hita? Muntik kanang maputulan ng paa. Buti hindi na kita nung Asawa mo yung sugat kung hindi mag tataka yun." Kumagat si Csm sa Pizza na hawak hawak nya.

Sinara nya ang pinto bago umopo sa upuan na inuupuan ni Kuya Jayyvine kanina. Malalim akong bumuntong hininga. Mag sasalita na sana ako kaso hindi ko talaga magawa. Napaawang lang ang labi ko. "Pipe kana. Paano ba naman kasi inaapoy ka ng lagnat nag paulan kapa. Fully Aircon pa ang bahay nyo. Edi ni lamigan ka. Paano kung na tegok ka? Edi kawawa naman si Star." Nakangiwi pang saad ni Csm. Na puno ng pangongonsensya.

Nakagat ko lang ang ibaba kung labi. Hindi mo padin kayang mag salita. Wala pa akong lakas. Kailangan ko talagang kumain para maging malakas. "Langya na talaga ang buhay ngayon. Alam mo ba Meteor. Kwentuhan kita." Nag stretching si Csm bago muling kumagat sa hawak nyang slice ng Pizza. Nakatitig lang ako sakanya. "Kamo alam mo ba? Yung walanghiyang Imagination boy nayon. Nakita ko dito kanina. Tsk. Tsk." Nakangiwing saad ni Csm.

Nakatitig lang ako sakanya. Sunod sunod syang umiling habang nakangiwi at hindi maipinta ang mukha. "Tsk. Wala talaga akong balak na sundan sya. Pero ang walanghiya. Pumunta sa chapel dito sa hospital tapos pinag dasal ako. Ha-ha-ha. Natutuwa na sana ako eh. Na pinag dadasal nya ako. Pero alam mo ba yung pinag dadasal sa akin?" Taas kilay na tanong ni Csm bakas na sa boses nya ang pag gigil. Nang gigil sya kay Tyraene? Bakit naman. Buti nga pinag dasal sya eh. Minsan ang bolang talaga ni Csm. Nag taas lang ang kilay ko.

Yun lang ang maari kung mareact. Hindi ako makatalk.

Biglang ngumiwi si Csm ay inubos yumg Pizza na hawak nya. Nilunok nya muna yun bago nag tatrantumos. "Tsk! Napaka walanghiya talaga nung Imagination boy nayon. Alam mo ba ang sabi nya sa dasal nya. Kung hindi lang naman daw sya ang mapapangasawa ko. Pwede na daw akong mamatay? Langya! Nakakainis! Hindi mawala yun sa isip ko! Nangigil ako! Bakit ko ba kasi sya na gustuhan?!" Inis na inis na saad ni Csm habang nag tatrantumos.

Mahina akong na tawa sa loob loob ko. Bumabalik na ang dating sya. Nagiging makulit na ulit sya kagaya ng dati. Ang dating si Csm. Kahit nag hiwalay si Csm at Tyraene. Parang wala lang yun may Csm. Palagi nya namang na kikita si Tyraene eh. "Tsk. Walanghiyang yun. Tatakpan ko nga sya ng unan kapag tulog sya! Kainis!" Inis na inis na saad ni Csm. At muling kumuha ng Pizza sa box. Inis na inis nyang kinagatan ito. Muli syang napatingin sa akin.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon