Ika-63

2K 47 60
                                    

METEOR POV'

NAKATULALA Akong nag lalakad papasok sa loob ng kompanya. Maaga pa naman. Pero feel ko pagod na pagod na ang katawan ko. "Good morning ma'am." Nakangiting saad ni Manong Guard. Ngumiti lang ako sakanya at dirediretsong nag lakad papasok sa loob.

Ng makapunta ako sa office ni Ma'am Genevieve ay agad ko ng hinanda ang mga gagawin nya. Chineck ko din ang mga meeting at appointment nya. Wala naman syang meeting. Kahit appointment wala. Maluwag ang schedule ni Ma'am ngayon. Akala ko ay si Ma'am Genevieve na ang pumasok sa loob ng office. Nag kamali ako. Si Personal Assistant pala.

Taas kilay akong tumingin sakanya nung makita ko si Personal Assistant na parang balisa. May dala itong sobre. Na satingin ko ay malamang pera. Agad akong lumapit kay Personal Assistant. "A-Ano yan? Saka anong nangyari sayo?" Nag tatakang tanong ko kay Personal Assistant. Hingal na hingal na lumapit sa akin si Personal Assistant.

Agad syang hinawakan ang balikat ko. Balisang balisa sya na ewan. Pinag papawisan din sya ng maigi. Ano kayang nangyayari? "M-May gustong pumatay sa akin." Hinihingal na saad ni Personal Assistant. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "A-Ano?! Sino. B-Bakit kanya gustong patayin?" Natatarantang tanong ko kay Personal Assistant. Humawak sa puso si Personal Assistant. "M-Meteor. Tulungan mo naman ako. A-Alam ko may kaya ka at hindi kaordinaryong tao."

"Ano bang sinasabi mo?"

"N-Nakita na kita. N-Nakita kita nuon. P-Pumunta ka sa event. Kasama mo yung mga sikat na anak na nasa gobyerno."

"A-Ano naman? Saka bakit? Bakit may gustong pumatay sayo? Sino naman? At ano naman yung pwedeng maitulong ko saiyo?" Natatarantang tanong ko kay Personal Assistant. Agad nyang inabot sa akin yung sobre. "Kung maaari. Ibigay mo yan sa Nanay ko. Kailangan nya yan para sa pag papaopera nya. Kung maaari din. Tulungan mo sya na mabuhay. Huwag kang mag alala. Sweldo ko yan ng ilang taong pag tatrabaho ko ng kung ano ano. Legal lahat ng trabaho ko. Huwag kang mag alala." Hinihingal maigi na saad ni Personal Assistant. Agad ko namang kinuha yung sobre.

"Ano ba talagang nangyari? Sino ang gustong pumatay sayo?" Nag tatakang tanong ko kay Personal Assistant. Agad nyang kinapa yung bulsa nya. May inabot nanaman sya sa akin. Pero ngayon. Isang maliit na box na ito. "G-Gusto akong patayin ng Daddy ni Genevieve. Kaya parang awa mo na Meteor. Ibigay mo yan kay Genevieve sa oras na makasal na sya. S-Satingin ko. Hindi na hahaba pa ang buhay ko." Nanginginig ang kama'y ni Personal Assistant na binigay sa akin yung box.

Nanlalaki naman ang mata kung kinuha ito. "Bakit gusto kang patayin ng Daddy ni Ma'am Genevieve?! May ginawa kabang masama sakanya?! Ano ba talagang nangyari?!" Umiling iling si Personal Assistant sa sunod sunod na tanong ko sakanya. Humawak sya sa puso nya. "W-Wala akong ginawang masama. Pero malaking kasalanan ang na gawa ko sa daddy ni Genevieve. Napaka laki. Kaya Meteor. Ikaw ng bahala sa mga yan. Huwag mo sanang hayaan ang Nanay ko na mawala. Sya ang unang babaeng minahal ko. Kaya ikaw na ang bahala sakanya." Saad ni Personal Assistant.

Mabilis nya akong tinalikuran. Agad ko namang hinawakan ang palapulsuhan ni Personal Assistant. "S-Saan kapupunta? Diba may gustong pumatay saiyo?" Nanlalaki ang matang tanong ko kay Personal Assistant. Mabilis syang tumango tango. "Alam ko. Pero huwag kang mag alala. Babalik ako. Hindi muna ngayon. M-Meteor alam kung maaasahan ka. Kaya ngayon. Pinag katiwala ko na ang Nanay ko saiyo. Kaya parang awa mo na ikaw na ang bahala sakanya. Ha?" Hawak sa pusong saad ni Personal Assistant.

Mabilis naman akong tumango tango. "Oo. Pero paano kapag hinanap ka ni Ma'am Genevieve? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?" Hindi alam ang gagawin na tanong ko kay Personal Assistant. Bigla tuloy akong na wala sa sarili. Paano ba naman! May taong parang mamatay na nalalapit sayo! Tapos bigla nalang syang mag gaganito! Parang mag huling habilin! Aish! Basta ang bolang.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon