Ika-67

907 15 120
                                    

METEOR POV'

HINANG Hina ang buong katawan ko sa ginawa ko kanina. Dalawang beses akong nag doorbell sa bahay ni Kuya Jayyvine. Nag babaka sakaling pag buksan ako ng pinto ni Kuya Jayyvine. Malalim akong bumuntong hininga nung ilang minuto na ang naka lipas simula nung nag ddoorbell ako dito.

Mapait nalang akong napangiti. Balak ko na sanang umalis pero napahinto ako sa gagawin kung pag lakad nung madinig ko ang pag bukas ng gate. Automatiko akong napangiti nung makita ang mukha ni Kuya Jayyvine. Nawala ang ngiti sa labi ko nung makita ang malamig na expresyon ng kanyang mukha.

"What are you doing here? Sinabi ko na sayo na ayaw ko ng mag karoon pa ng koneksyon sayo. Ano pang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong sa akin ni Kuya Jayyvine. Nakagat ko ang ibaba kung labi. "K-Kuya hindi ko kayang mawala ka...." Kagat labing saad ko habang ang dalawa kung mata ay nag aamba na sa pag iyak.

"Si X. Sya ang ipapa kausap ko sa mga konseho para pumalit sa akin sa pwesto." Seryosong saad ni Kuya Jayyvine. Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling iling. "Nahihibang kana ba! Bakit ba gustong gusto mo ng mawala sa pwesto ha! Kuya sabihin mo nga sa akin! Hindi ba ako ganoon kahalaga sayo?!"

"Alam kung gagawin mo ang lahat maprotektahan si X. Alam ko iyun sa-----"

"Hindi mo naba ako mahal?" Mangiyak ngiyak na tanong ko kay Kuya Jayyvine. "Kasi ako. Mahal na mahal kita." Hindi ko maiwasang mapaluha. Hindi ko matanggap sa sarili ko na pinag tatabuyan nya na ako. Tama ako diba? Pinag tatabuyan nya na ako?

"Meteor. Why are you making the situation worse?" Malalim na buntong hiningang tanong ni Kuya Jayyvine sa akin. Ngumuso ako. "Kuya naman. Bakit ba kasi kailangan mo akong ipag tabuyan? Kahit kailan naman palagi akong nasa tabi mo. Kahit iba yung katabi ko. Bakit ba kasi kailangan mo pa itong gawin?" Maluha luhang tanong ko kay Kuya Jayyvine.

Nakita ko ang pag seryoso ng mukha ni Kuya Jayyvine. Mukhang pagod na pagod na sya. Pagod na pagod na sya sa akin. Ganoon ba talaga ako kabilis pag sawaan? Kahit ang taong alam kung hindi ako iiwanan. Hindi ako bibitawan. Ngayon ay gusto na akong layuan at iwan. Kaiwan iwan ba talaga ako?

Ilang beses ko bang kailangang lumuhod para malaman nya na kaya kung gawin lahat basta hindi nya lang ako iwan?

"I never felt you in my side, Meteor. Simula nung sabihin mo sa akin na gagamitin mo si X para malito ang mga alagad ni itim kung sino ba talaga ang naka takda para sayo. I haven't felt you since you moved to X's house, you changed Meteor. You changed. Pagod na pagod na akong umasa na babalik tayo sa dati. Pagod na pagod na akong ligpitin ang mga kalat mo. Pagod na pagod na akong makita kang may kasamang iba. I miss you. I miss the old meteor. I miss my wife." Malamig na saad ni Kuya Jayyvine habang nakatitig sa dalawang mata ko.

Unti unti ng na hulog ang mga luhang kanina pa gustong mag ragasa sa aking mata. "K-Kuya. Hindi ako nag bago. Hindi kita kinalimutan. Wala akong kinalimutan na bawat detalye sayo. Kaya Kuya please. Bumalik tayo sa dati." Mangiyak ngiyak na pag mamakaawa ko kay Kuya Jayyvine.

Nagulat ako nung tumawa sya ng sarkastika. "Bumalik tayo sa dati? Gusto mong bumalik tayong dalawa sa dati?"

"O-Oo naman. S-Sino bang hindi? G-Gusto ko nang bumalik tayo sa dati K-Kuya."

"Divorce X."

"H-Ha?"

"I said divorce X. Kasal kayo dito sa pilipinas. Tunay ang kontrata. Kahit hindi yun naka sama sa lista sa munisipyo." Seryoso pading saad ni Kuya Jayyvine. Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya. "Forget about X too." Seryoso pang dugtong ni Kuya Jayyvine sa sinabi nya.

Gulat at hindi ko sya makapaniwalang tiningnan. "A-Ano? K-Kalimutan ko sya?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Kuya Jayyvine. Agad na ngumiti ng tipid si Kuya Jayyvine. At agad na tumango. "Yes, forget him. Kalimutan mo ang bawat detalye sa buong pag ka tao ni X. Kalimutan mo na minsan ay naging asawa mo sya. Kalimutan mo ang lahat para bumalik tayo sa dati. Yan lang ang gusto ko. Babalik tayo sa dati. Hindi ko bibitawan ang pwesto. Can you do that for me?" Biglang nag bago ang boses ni Kuya Jayyvine sa dulo.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon