Ika-41

1.6K 36 21
                                    

X POV'

"YEHEY! MERRY CHRISTMAS!" Tuwang tuwa na sigaw ni Marites ng makababa sya sa hagdan. This is the day of God. Christmas Day. Agad na tumakbo si Marites papalapit sa amin ni Star. Nakaupo kami sa sofa. Habang si Tita Lufti at Tita Atalie ay nanonood sa tabi namin sa kabilang sofa. Mabilis na umopo si Marites sa tabi ko at agad na ngumiti kay Star. She kiss Star in her cheeks. "Good morning baby ko! Good morning! Good morning! Merry Christmas!" Tuwang tuwa na saad ni Marites at sunod sunod na pag halik sa pisnge ni Star ang ginawa.

Napahagikhik si Star ng tawa. "Mah!" Tuwang tuwa na saad ni Star habang humahagikhik sa pag tawa. Suminghal ako at ibinigay si Star kay Marites ng dahan dahan ng mag open arms si Marites. Agad naman nyang binuhat si Star. "Kanina kapa nya hinihintay. Do you want to eat?" Tanong ko sakanya. Mabilis syang umiling. "Ayoko! Busog pa ako! Asan nga pala si Kuya Jayyvine?!" Agad na luminga linga si Marites sa paligid.

Nag kibit balikat ako. "Kasama sya ni Tita Sadi. May pinuntahan sila sa Pampanga. " Kibit balikat na saad ko. Ngumuso si Marites. "Napaka bolang talaga ni Kuya! Nakakainis! Tinaguan nanaman nya ako! Palagi nalang!" Biglang nag trantumos si Marites habang nakanguso. Tumawa si Tita Atalie at Tita Lufti sa gilid. "Alam mo naman yung Kuya mo. Ayaw na ayaw mamigay kapag pasko." Natatawang saad ni Tita Lufti. Napasinghal ako.

"Kuripot talaga." Nakangiwing saad ko. Mahinang tumawa si Tita Atalie. She totally have this elegant laugh. Kung hindi ko lang alam. Baka isipin ko na isa sa Royal Family si Tita Atalie. She really have this gorgeous looks and staning queen. "Ganyan talaga si Jayyvine. Alam ko may isa syang inaanak. Pero hindi nya na binibigyan. Kasi na wala na yung inaanak nya nayon. Namatay na daw?" Nag kibit balikat si Tita Atalie sa dulo. Agad akong napatahimik.

Hindi na ako nag salita at tumingin nalang kay Star. Nilaro laro ko sya habang buhat buhat ni Marites. Tsk. Nasa mood na ngayon si Star. This girl. Napangiwi ako nung biglang tumili si Marites. Nakita ko din ang pag ngiwi ni Tita Lufti. Napatingin lang sa amin si Tita Atalie. "O-OUCH!" Agad na angal ko nung hampasin ako ni Marites. "What?" Taas kilay na tanong ko nung biglang itong tumawa ng nakaka loka. Is she really crazy? Hmm? "PANGGA! ALAM KO NA KUNG ANO ANG NAG PAGANDA NG GISING KO NGAYON!"

"Really? What?"

"PERA! AMOY NG PERA! WHAAAAAAA! BOLANG!"

"Aish. Yun lang?"

"OO! AMOY NG PERA! NAPAKA BANGO NUN! WHAAAAAAAAAAAAAAAA! EXCITED NA AKO!"

"For what?" Agad na nangunot ang nuo ko nung biglang itayo ni Marites si Star sa hita nya habang hawak hawak nya ito sa mag kabilang gilid. "Mag kakapera si Star. Ngayong pasko." Nakangiting saad ko. Napatango tango ako. "That's good. Mamaya ko na ibibigay yung regal----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla akong sipain ni Marites sa paa. "Ouch? Seriously?" Nakangiwing saad ko.

Sininghalan ako ni Marites. "Huwag kamunang bolang! Mamaya na yang regalo nayan! Pangga! WHAAAAAAAAAAAAAAAA!" Mas lalo ako nung tumili si Marites ng napaka lakas. "Sa kusina lang ako." Nakangiwing saad ni Tita Lufti bago nag lakad papunta sa kusina habang dala ang bowl. Mukhang gagawa ulit sya ng pop corn. Napatingin lang ako sakanya bago mabilis na tumango. "Hmm? Stop that. Ang tinis." Nakangiwing saad ko. Suminghal si Marites. "PANGGA! DIBA PASKO NGAYON?!"

"Oo nga."

"ANONG DAPAT GAWIN KAPAG PASKO?!"

"Gumala?"

"HINDI! OO! EWAN MALAPIT YUN DOON! PERO MAY CONNECT! DIBA STAR!"

"Aish. Ano bang sasabihin mo? Marites?"

"MAMASKO TAYO!" Tuwang tuwa na saad ni Marites bago malakas nanamang tumili. Agad akong umiling iling nung marealize ko ang sinabi nya. "What the? No! May Covid." Agad na saad ko. Malakas na tumawa si Marites. "Wala ng Covid! Arat! Mamasko tayo sa mga Ninong at Ninang mo Star!" Tuwang tuwa na saad ni Marites bago mabilis na hinalik halikan ang pisnge ni Star. Humagikhik lang ng tawa si Star at mukhang sang ayon sa sinabi ni Marites.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon