Unrequited Love 1

92 1 0
                                    

********

         Saan nga ba dapat mag umpisa? I really don't know where. Love. Love makes us do crazy things. Love makes us do whatever just to protect the one you love. Love.... is an undefined word. It's because we have our different definition of it.

Nakaupo kami nun at naghihintay para sa susunod na klase namin para sa hapon. Tanghali.

Hawak ko ang isang fiction book habang nakasandal na nagbabasa. Nasa tabi ko ang mga kaibigan ko nun at nagdadaldalan. Since I don't have phone at that time, ang fiction books ang binabasa ko para magpalipas ng oras.

I was reading that fiction book when he suddenly sat beside me and lay his head on my shoulder.

Hindi ko iyun pinansin pero sa kaloob looban ko, iniisip ko na bigla na lang tumayo para mauntog ang ulo niya.

Right. I indeed think that.

Pero dahil alam ko ang kahihinatnan ng gagawin ko, eh hindi ko yun itinuloy. Pinabayaan ko na lang.

"Nagseselos ka ata." pabiro nitong sabi sa kaibigan ko na may crush sa kaniya na katabi niya sa kabila. Nasa left ako nasa right siya.

And that's my que to shoo away his head. No, i didn't rudely push away his head.

"Yung ulo mo. Ang bigat. Tatayo na ako." sabi ko sa kaniya.

Hindi siya tumingin sa gawi ko instead ay naglalaro lamang ito sa phone niya sabay sabi ng...

"Kanina pa andyan ulo ko 'di mo naramdaman?"

"Nagbabasa kasi ako." palusot ko.

Inalis niya ang ulo niya kaya tumayo ako at umalis doon atsaka dumiretso sa canteen para bumili ng pagkain. Pagkabalik ko sa kung nasaan kami kanina hindi na ako umupo ulit dun. Kinuha ko na bag ko at tumayo na lamang.

That was when I was in grade eight.

Sabi ko nga sa sarili ko, wala ba talaga akong crush sa kaniya noon? At that time?

Arrgh! Hindi ko alam!

Mayroon pa nga nung nakatayo kami nun at naghihintay ulit sa susunod na subject. Pinipiringan niya ang iba kong classmate sa mata. Nakita ko yun at nung ako yung nakatalikod na, aba! piniringan din ako gamit kamay niya.

"Sino 'to?!" tanong ko kahit na alam ko kung sino talaga. Kinapakapa ko pa ang kamay para talaga mahulaan kung sino kahit na alam kong siya nga talaga yun.

"Gwapo." sabi niya pagkatapos ay tinanggal ang pagkakapiring sa mata ko.

I made face at that. Tsk.

I know one of his crush. Maganda siya at walang wala ako kung ikukumpara mo sa kaniya. He's like that. Marami ang nagkakagusto sa kaniya. And unfortunately, I'm one of those unlucky person. Huh! Tsk.

It all started from that, I guess. Hindi ko talaga alam. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko ako sure palagi. Tatanungin mo kung gutom na ba ako I would just shrugged my shoulders because.... even though sarili ko itong katawan, hindi ko talaga alam.

Hayyy. I never knew something like that would happen. I should have know.

Pinulot ko ang nag iingay kong cellphone sa kama at sinagot ang tawag.

"Ms. Writer your deadline of that manuscript is almost done. Where is it?"

Napangisi ako sa bungad sa akin ng kaibigan kong editor sa isang publishing company.

"Hey! Mahaba pa kaya ang oras ko. Huwag mo akong lokohin. Tsk."

" Ang sinasabi ko lang, asan kana ba? Kanina pa kaya ako andito. Hindi ikaw yung tipo ng tao na pinaghihintay ang isang tao. Usually, ikaw ang nauuna. Pero ngayon? Asan kana?"

"On the way miss editor." pabiro kong sabi.

"Huwag mo nga akong maon-on the way, on the way diyan. Sipain kita eh. On the way mo mukha mo. Nasa bahay kapa ano?" naiinis na sabi nito.

"Alam mo naman pala. Tinatanong mo pa ako."

"Oh? May paganyan ganyan kana ah? Humanda ka sa akin kapag andito kana ah!"

Sinuot ko ang high heels ko at pinulot ang bag bago pinatay ang computer atsaka Inilagay sa bag ang laptop. Lumabas ako ng kwarto habang kausap parin ang kaibigan ko.

"Edi hindi na lang ako pupunta. Humanda pala ah." nang aasar na saad ko rito.

"Hoy! Subukan mo lang talaga babae ka! Kakalbuhin kita! Bilisan mo na nga lang. Nakakahiyang mag isa dito. Mukha akong hiniwalayan ng jowa dito."

Napatawa ako dun.

"Wala ka namang jowa."

Naglakad ako palabas ng bahay matapos mailock ang gate at pintuan atsaka sumakay ng kotse ko.

"Yun na nga eh! Mga mag jowa ang mga nandito! Buset! Kala mo naman mga magtatagal talaga eh."

"Bitter." komento ko.

"Tse! Bilisan mo na nga lang!"

"Yes, miss editor." saad ko pa sabay tawa.

Pinatay ko na ang tawag atsaka nagsimula nang magdrive papunta sa isang coffee shop. Naghe-head bang ako habang sinasabayan ang isang kanta na siyang pinatugtog ko.

Nakangiti ako habang ginagawa yun at nagha-humm nang maipreno ko ang sasakyan ko at mapatingin sa side walk kung saan nagkakaroon ng kumpulan. Tila ba may isang aksidente na naganap.

Iginilid ko ang sasakyan ko at dali daling lumabas ng sasakyan at nakiusyoso.

Agad akong napalapit sa biktima ng aksidente na may malaking sugat sa binti nito at head concussion. Mukhang sumemplang sila sa sinasakyan nilang motorsiklo. May isa pa siyang kasama na may head trauma.

"Tumawag kayo ng ambulansya." sabi ko sa isang naroon at nakikiusyoso.

Agad kong tinignan ang babaeng may head trauma. Umaagos ang dugo sa ulo nito at nakapikit na nakahiga. Thankfully, humihinga pa siya.

Agad kong kinuha ang first aid kit ko sa sasakyan at lumapit sa kanila. I did the first aid on the woman first with head trauma bago sa lalaki.

Hindi rin nagtagal at dumating na ang ambulansya. Agad silang isinakay sa stretcher at ipinasok sa ambulansya.

"Doktora?" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh, yes hey! Please take care of them for me." tumango lamang ang kakilala ko ring doctor atsaka na umalis ang ambulansya.

Bumalik ako sa sasakyan ko at dali daling nagtungo sa pupuntahan ko.

"Oh, I'm sorry Ms. Editor I'm late." saad ko ng makarating at naupo sa harapan niya.

Inirapan niya lamang ako.

"Yeah you're late. Super late. And I'm guessing na may tinulungan ka na naman, right?"

Tumango na lamang ako at napabuntong hininga siya.

Napalingon ako sa pintuan ng coffee shop ng tumunog ang chime at hindi ko inaasahan kung sino iyun. Handsome guy who snatch everyone's attention while walking towards us.

" Hey! Dito. " saad ng kaibigan ko.

It's him.

My first love.

My Unrequited Love.

Nakangiti siyang dumiretso sa table namin habang nagtataka naman akong tumingin sa kaibigan ko.

Just what is the meaning of this?

"Hi! Nice to see you again." 

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. And what the hell?! You freaking heart stop beating so fast! Arrgh! I hate you!

"Same." wala sa sariling saad ko.

Buset!

***********

           

My Unrequited Love? (Completed) Where stories live. Discover now