22. Miss na Kita

49 2 0
                                    

(Jan 2021)

Miss na kita,
nakikinig ka ba?

Ala una y medya
Madaling araw na pala,
Hindi ko man lang napuna
'Pagkat ikaw na naman ang laman
Ng isip kong hindi matahan,
Ng puso kong nagsusumigaw sa nararamdaman.

Paborito kong tignan ang iyong mga mata
Napakalalim kung tumingin,
At sa 'di mawari ay kumikislap nang lagi
Na tila ba sa akin ay nagsasabing,
"Para sa akin ay pinakamaganda ka,
hindi man totoo sa mata ng iba."

Hindi miminsang nabihag ako ng iyong ngiti
Napakatamis at pinapakilig akong parati
Ikaw ang bumubuo ng bawat umaga at gabi,
Anumang pagod o inis ay napapawi.
Kaunting lambing at kiliti,
Nanghihina akong palagi.

Nakakatawa pero nakakatuwa
Dahil kung anong inilaki ng tyan mo,
Sa akin ay mas malaki pa
Pero hindi bale na,
Sabi mo ay cute naman di ba?
Eh ano ngayon kung butchog tayong dalawa?

Lahat ng pangit sa akin ay nakita mo na
Minsan kahit ayaw mo na,
Ginagawa ko pa at minsan pa
Ay nasasaktan kita.
Pero hanggang ngayon nandito ka pa
Minamahal ako at inuunawa sa tuwina

Hindi marahil maintindihan ng iba,
Sobra tayong magkaiba,
Noong una'y sobrang magulo pa
Pero relasyon nati'y hindi lamang tumagal
Tumibay pa at lalong tumitibay,
Hindi na magigiba.

Sa paglipas ng panahon ako'y sigurado na,
haharapin ang bukas na kasama ka.
At kung bakit ko nasulat itong tula?
Iyon ay dahil...
Miss na kita,
lagi naman di ba?

Thoughts turned into PoetriesWhere stories live. Discover now