25. Twenty-two

6 0 0
                                    

(Nov 2022)

Minsan, may nagtanong sa'kin,
Ano ba iyong mga bagay na gusto kong sabihin sa'yo
Ang sagot ko?

Una, mahal kita
Pangalawa, mahalaga ka
Pangatlo, ikaw lang kailangan ko
Pang-apat, huwag mong isiping hindi ka sapat
Pang-lima, hindi ako nagsusugal pero sa'yo ako ay tataya

Pang-anim, ang bawat ngiti ko ay pag-amin
Pang-pito, paano ito, ikaw na lang nasa isip ko
Pang-walo, teka, ikaw pa rin talaga
Pang-siyam, alam mo bang ngayon lang ako nagka-gan'to?
Pang-sampu, masaya akong sa'yo ibinigay ang aking puso

Ika-labing isa, sa aking mundo ikaw ay nag-iisa
Ika-labing dalawa, bakit mahal kita? kasi iba ka
Ika-labing tatlo, ilang beses man akong magtampo, ikaw pa rin ang iniibig ko
Ika-labing apat, wala man sa'yo ang lahat, pero ako na ang pinakamaswerteng babae kapag minahal mo
Ika-labing lima, huwag kang mag-alala, sa lahat ng laban mo, nandito lang ako

Ika-labing anim, salamat sa pagmamahal mo sa'kin
Ika-labing pito, patapos na ang pagbibilang ko
Ika-labing walo, pero di ko pa rin nasasabi ang mensahe ng tulang ito
Ika-labing siyam, alam ko namang hinihintay mo,
Dalawampu, heto na at sasabihin ko,

Dalawampu't-isa, eto nga at kasunod na
Dalawampu-t dalawa, maligayang kaarawan sa pinakamagandang biyayang dumating sa buhay ko

Thoughts turned into PoetriesWhere stories live. Discover now