(yr 2017)
Ang tulang ito ay isinulat ko
Habang nakatingin sa'yo
Mula sa malayo
Ay tila ipinagtagpo
Ang dalawang tao:
Ikaw at akoPauwi na tayo noon
Galing tayo roon
Kung saan kasama mo ang barkada mo
At kasama ko rin ang barkada ko
Sa hindi inaasahan
Ay may lakad tayong napagpasyahanDoon ay pinuno mo ng saya ang puso ko
May mga bagay kang sinambit na di kinaya nito
Mga bagay na hinayaan mong gawin ko sa'yo
Hinayaan mo akong hawakan ko ang palad mo
Maramdaman ko ang init nito
Maramdaman ang init ng bawat haplos moAt nang ako'y lamigin pa
Ay hinayaan mong iyapos ko ang mga kamay ko sa'yo
Hinayaan mo akong angkinin ka
Sa paraang alam nating dalawa
Sa paraang alam kong akin ka lang
Ngunit akala ko lamang palaSa oras na ito
Habang tanaw kita sa kinauupuan mo
Naisip ko,
Naiisip mo rin kaya ako?
Nalulungkot ka rin ba dahil magkakahiwalay na tayo?
O produkto lamang na naman ito ng imahinasyon ko?Ang hirap mahalin ng taong hindi mo magets
Ang hirap intindihin ng taong tulad mo
Hindi ko alam kung papaano nga ba kita iintindihin
Lahat na lamang ng ginagawa ko ayaw mo
Mahal mo kaya ako?
O ang lahat nang ito'y isa lamang pagbabalat kayoDumating yung panahon
Na mayroong pagkakataon
Na sinabi mong mahal mo ako
At alam ko, alam ko, dahil dama ko
Damang dama kong mahal mo nga ako
O mahal mo nga ba talaga ako?Nalilito, gulong gulo kung mahal mo nga ba talaga
Sapagkat ang salitang 'mahal kita'
Ay di laging kaakibat ng pagpapahalaga
Hindi laging kasama ng pagkakalinga
Sumisikip ang paghinga,
Mahal, hindi ko na kayaSiguro tama na makilala kita at mahalin kita
Siguro tamang tayo'y ipinagtagpo pa
Ngunit sa puntong ito,
Ako'y susuko na at di na lalaban pa
Pagkat ikaw at ako, dalawang tao na tila ipinagtagpo
Ay ipinagtapo lamang, ngunit hindi itinadhana
YOU ARE READING
Thoughts turned into Poetries
PoetryWelcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020