24. C

12 0 0
                                    

(June 2022) dedicated to someone whose name starts with letter C

Sa paborito kong takbuhan,
Sa paborito kong tahanan,
Sa paborito kong ikaw,
Mahal kita

Hindi ko man laging masabi,
Hindi ko man laging maipadama
Hindi ko man laging maipakita
Pero sa akin, ikaw ay mahalaga

Wala ako rito kung wala ka,
Ang lahat ay utang ko lamang sa iyo,
Kaya't asahan mong,
Malaki ang ibabayad kong pag-ibig

Malayo pa ang lalakbayin natin,
Ngunit panatag pagkat ikaw ang kaakbay namin
Tila anghel na bumaba sa langit,
Upang tulungan kaming pangarap ay makamit

Tanging hiling ay makita nakikita ng aking mata,
Na sa akin ay halos perpekto ka na,
Ikaw ang lagi kong tinitingala,
At pinapangarap na maging katulad sana

Kaya sa mga pagkakataong nakakaisip ng di maganda,
Maalala mo sanang narito kaming minamahal ka,
Ngayon, bukas at sa mga susunod pa,
Sobrang laking pasasalamat na dumating ka

Thoughts turned into PoetriesWhere stories live. Discover now