3. Kung Magmamahal Ka

208 5 1
                                    

(June 16, 2019)

Ang pagmahahal ay hindi basta basta
Hindi yan ibinibigay sa sino ang una mong nakita
O kung sino ang pakiramdam mo ay mas makata
Kaya kang pakiligin sa mabubulaklak niyang salita
Kaya teka naman muna, papayuhan kita

Isa kang babae, dapat respetuhin ng bawat lalake
Hindi dapat iyon nakabase sa iyong imahe
Mataba, payat o kahit mukha ka pang di makatae
Maputi, maitim o kahit pa kulay tsokolate
Respeto ay dapat taglay ng isang tunay na lalake

Isa kang lalake, kampon ni Adan
Wag mong hayaang sa salita lang idaan
Dahil kung talagang tunay ang nararamdaman
Gumawa ka dapat ng paraan
Huwag hahayaang babae ay masaktan

Ikaw babae, sarili'y iyo munang yakapin
Ang bawat kapintasan mo'y iyo munang tanggapin
Ang bawat kahinaan mo'y iyo munang kilalanin
Ang mga takot mo'y iyong alamin
Gawin mo yan para sa sarili, bago ang iba ay mahalin

Ikaw lalake, damdamin mo'y iyo munang siguraduhin
Garantiyahin na ikaw ay dapat na ngang mahalin
Hindi naman kailangan ng regalong mamahalin
Hindi rin kailangan ng mukhang artistahin
Katapatan at pagpapahalaga - yan ang dapat taglayin

Wala namang mali kung gusto mo talaga siya
Kaya lamang ay dapat maigting ang iyong pagpapasya
Kapag sinabi mong mahal mo, mahal mo dapat talaga
Hindi pwedeng siya ngayon tapos bukas iba na
Hindi naman iyon tama at hindi iyon dapat ginagawa

Babae man o lalake, wag kayong magpapakatanga
Alam na ngang niloloko na, gustong-gusto pa
Gustong-gusto masaktan, eh kung hambalusin kaya kita?
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang halaga
Hindi ka ginawa ng Diyos para saktan lang ng iba

Wala naman talagang taong perpekto,
Pero may taong may respeto
Huwag gawing bisyo ang pananakit ng ibang tao
Huwag paasahin ang isang tao kahit pa iyon ang uso
Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo ng diretso

Tunay ngang kapag nagmahal ka ay hindi mo mapipili
Hindi mo alam kung sino ang makakahuli ng iyong kiliti
Pero kaya ko naman uuliting muli,
Maging mapanuri
Huwag magpapadala sa pagkukunwari

Ang pagmamahal ay isang bagay na napakaganda
Huwag sanang bahiran ng anumang masama
Ito ay isang positibong bagay na dapat ibahagi sa iba
Magmahalan tayong lahat upang buhay ay sumagana
Pasensya na, dito ko na tatapusin itong tula

Hindi ako perpekto pero sana may napulot ka

Thoughts turned into PoetriesWhere stories live. Discover now