Kabanata 6

2.7K 98 40
                                    

Kabanata 6

Study

Naunang maglakad sa akin si Tristan, walang imik. Tanging tunog ng aming sapatos at ingay ng iilang estudyanteng aming nadadaanan ang namamagitan sa amin. I can already memorize his muscular back and broad shoulder for not even turning to me in a minute that we were together.

Kinahihiya niya pala ako? Really! Excuse me! I really feel like everything he do has the purpose for me to loathe him more! Ano namang ginawa ko sa kaibigan niya? Ano naman gagawin ko sa kaklase niya?

It's not like I'll embarrassed him in such ways. Paano ko siya ipapahiya? Wala naman akong gagawin! The side of mind keep screaming at me that my existence is already an embarrassment for him.

Nagtiim-bagang ako. I glared at his back. Ni wala siyang alam at wala rin siyang pakialam kung pinapatay ko na ba siya sa isip ko. Lumiko siya sa hagdan upang bumaba. Malamig ang kaniyang tingin nang sinulyapan ako.

I pouted and followed him. I was cursing everything inside my head. Ayaw ko nang isipin kung bakit, kung ano ang rason kung bakit siya ganito sa akin. I'll end up comparing myself. I'll end hurting myself. Ika nga nila, ignorance is a bliss. Let me be blind as long as I can.

Nasa huling palapag ng hagdan siya nang makita siyang ng ibang estudyante. They look at Tristan, probably liking him for how he was gorgeous. Hindi sila makalapit, hindi maipilit dahil halatang saradong sarado si Tristan. I somehow... at some point... saw myself through them...  Nga lang, mapilit ako.

“Stan!” Devilagne called him, running.

Natigil kaming pareho. Nasa baba na si Tristan samantalang ako ay nasa taas pa. Kita ko ang pagaliwalas ng mata ni Tristan nang makita si Devi.

“Nandito ka lang pala! You're nowhere to be found since earlier!” bumusangot ang mukha ng babae.

“I am just upstairs. Nasa room ako.”

“Sabi nina Dy wala ka roon!”

Tristan chuckled. “Alam mong niloloko ka lang noon.”

Devi pouted that made Tristan laughed a bit. Kanina ko pa talaga nararamdaman ang lamig sa aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit, kung para saan. O kung nagbubulag-bulagan lang ako. I don't want to point out that he seems so comfortable even if Devi nag with his friends.

Of course they are friends for a long time! Ganiyan ang circle of friends niya! Bakit ka ba umaasa, Leya?!

Kung bakit ganito ay hindi ko rin alam. Kung sino-sino na lang kasi kasama niya!

“So, let's go for a snack?” aya ni Devi.

Ngumiti kaagad si Tristan. I know he'll say yes, but stop midway to realize that... he was with me probably. Nakalimutan niya kaagad ako? Wow. Kakikita niya lang kay Devilagne, ah!

Sumulyap sa akin si Tristan. Lumamig ang kaniyang tingin. Umiwas ako ng tingin.

“Kay, I was...”

Can't he turn her down because you're with me?

Sumunod sa akin ang tingin ni Devi. Pagkakita sa akin nito ay lumipat ang kaniyang tingin kay Stan at bumalik muli sa akin. Hindi ko magalaw ang paa ako at para na akong naestatwa na ako roon kahit nang pasadahan niya ako ng tingin.

“Oh, you're with... someone? A friend?” Nilingon niya si Tristan.

Nagtiim-bagang ako. I've seen this before. I've always seen them together before. I am always unbother. Pero ngayon na ganito ako pagusapan, I am feeling disrespected.

Admiring the Scintillating Sunshine (Isla Lavinia Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon