PROLOGUE

48.5K 1K 203
                                    

Prologue

"Oh," sagot ko sa tawag ni Desmond. Nandidito ako ngayon sa ilalim ng mapupunong lugar sa Baguio. Tumigil ako nang nakita kong tumatawag si Desmond. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse ko at pinagmamasdan ang papalalim na na gabi.

Eversince Lorcan dead kaming tatlo na lang ni Desmond, Rap at ako ang naging abala sa lahat nang naiwan ni Lorcan na mga negosyo. Sa di ko alam na dahilan umuwi na nang Greece si Laszlo. Siguro nakapag-isip isip na ang gago. Saka lang siya tumawag nang makaalis na siya nang bansa. Alam naman namin na sa oras na aalis na si Laszlo dito aya iiwan na niya din ang grupo pero nakakapanghinayang lang. Para kasing unti-unti na kaming nawawatak.

Laking problema pa dahil itong si Clayton ay parang naging sakit na rin sa ulo. Masakit sa amin ang pagkawala ni Lorcan. Mahirap din tanggapin pero kailangan naming magpatuloy na naiwan niya. Sa buhay na mayroon kami hindi rin namin alam na ito na pala ang huling araw namin sa mundo. O kahit naman sa mga ordinaryong tao lang.

Halos lumaki ako sa daan. Kung hindi ko nga nakilala si Lorcan noon hindi ko alam kung anong buhay mayroon ako ngayon. Kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Dahil sa kanya nabuhay ako sa mundo nang hindi inaalala ang bukas o sa susunod na araw kung may kakainin ba ako. Dahil kay Lorcan binigyan niya akong mabuhay sa mundo na hindi natatakot.

Ako ayos lang sa akin na mawala ako sa mundong ito kahit na ngayon na. Walang tao ang nag-alaga sa akin. Walang tao na laging mag-aalala sa mga gagawin ko o anuman ang gagawin ko. Kaya hindi na rin ako magtataka kung darating ang isang araw mamatay ako at walang tao ang malulungkot sa pagpanaw ko sa mundong ito. Wala rin taong iiyak sa libing ko. Wala namang tao na magluluksa sa pagkawala ko. Wala namang taong aalalahanin ang mga nagawa ko sa mundo.

"Can you meet Mr. Yagami tomorrow?"

I blinked my eyes when I hear Desmond's voice from the speaker. I closed my eyes and took a deep breath. Hindi ko talaga gusto ang mga ganito. Sumasakit lang ang ulo ko sa meet-meet na iyan. 

"Pwedeng ikaw na lang Desmond?" Ako sa kanya.

Rinig ko ang pagtikhim niya.

"Sorry, bud. May lakad ako bukas, e. I have an important appointment tomorrow so..."

Umayos ako nang upo. At napahilamos ako sa sariling palad.

"Hmm, okay. Ano ba ang gagawin doon? May papapirmahan lang ba ako? O makikinig ako sa nakaka-antok na meeting."

"Okay, thanks. Just introduce yourself as Lorcan's representative."

Pagod akong tumango sa kanya kahit na di ko naman siya nakikita. At pinatay ko na ang tawag. Pinaandar ko ulit ang sasakyan saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Kinabukasan kahit na tinatamad pa akong gumising ay sumikap akong bumangon. Tamad talaga ako. Pikit mata pa talaga ako habang nagsho-shower dahil sa antok. Nahimasmasan lang ako nang tumagal ang lamig ng tubig sa katawan ko. Nagsuot lang ako nang isang plain tshirt tapos pinatungan ko nang isang jacket tapos casual boots lang.

Nang makarating ako sa parking lot saka ko lang naalala na hindi ko pala alam ang address ng opisina ni Mr. Yagami o kung saan kami magm-meet. Tatawagan ko na sana si Desmond nang may text na akong natanggap mula kay Desmond. Napamura ako. Hindi ko alam ang tang inang address. Puta! Gumamit pa ako nang waze upang matunton ko ang tang inang lugar na iyon.

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon