CHAPTER 13

14.3K 602 143
                                    

Chapter 13

Colt Pov

Tulala ako habang nakasakay ng tricycle. Nakatuon ang mata ko sa labas, sa magandang tanawin ng dinadaanan namin ngayon kaso di ko magawang humanga doon dahil iba ang nasa isip. Lumilipad ang utak ko sa nangyari kanina.

Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko na nasa hita ko.

Hindi ito ang unang beses na nasaktan ako. Hindi ito ang unang beses na tinanggi ako. I thought what my parents did to me was enough to make me strong. I thought what I've been through was enough to make me strong. But I was wrong. 

I felt thousands' of needles pierced into my chest right now. Fùck you, Johannes Dwyer! I fùcking... fùcking hate you! 

Binagsak ko ang katawan ko sa sandalan ng sinakyan kong tricycle.

Kanina nang makita ko si Johannes sa supermarket ay walang alinlangan ko siyang—silang sinugod noong babaeng kasama niya.

Flashback

"Ang asawa ko po." sagot ko kay Mang Hermes, tinuro ko ang direksyon kung saan si Johannes at bumilog ang mata ni Mang Hermes. Bumagsak ang kanyang panga sa lupa dahil sa sinabi ko. Pabalik-balik ang mata niya sa akin at kung saan si Johannes ngayon.

"H-hijo..."

"I'm sorry, Mang Hermes, but you can go home alone. Kailangan ko lang talagang lapitan at kausapin si Johannes ngayon."

Agad naman siyang umiling sa akin. Tumikhim muna siya.

"Hermes, di pa ba tayo aalis?" Si Mang Joel.

Bumaling doon si Mang Hermes.

"Hindi. Mauuna ka na pare, kailangan ko lang samahan itong si Colt dito."

Nagpasalamat si Mang Hermes kay Mang Joel at nagbigay ng pera dito bago bumaba.

"Mang Hermes hindi n'yo naman po ito kailangang gawin. I can handle myself."

"Hindi," umiling siya at humawak sa balikat ko. "Sasamahan na kita."

"Thank... you."

Ang totoo ay kinakababahan ako. Di ko lang alam kung para san itong lakas nang kabog ng puso ko ngayon. Hindi ako sigurado kung dahil ba ito nakita ko na si Johannes. O baka dahil ito sa saya ko nang makita ko siyang buhay tulad ko.  Pwede rin sigurong... iniling ko nalang ang ulo ko.

Tangina! Sobra akong nag-alala sa kanya. Hindi niya ako pinapatulog sa pag-aalala kung nasaan na siya o kung buhay pa ba siya matapos ang nangyari. At ngayon na nakita ko na siya ay di ko na ito papalampasin pa.

"Tara na Colt. Papaalis na sila."

I was pulled from my reverie when Mang Hermes tapped my shoulder. I nodded at him at sinundan namin sila Johannes at ang babae niyang kasama.

Parang may sumuntok sa puso ko nang makita kong yumakap ang kamay ng babae sa braso ni Johannes. Kung nakakaputol lang ng kamay ang talim nang tingin ko doon sa kamay ng babaeng na nakahawak kay Johannes, malamang sumisigaw na ang babaeng 'yan ngayon sa braso niyang putol.

I want to push this girl aside. I want to take Johannes away from her. Anger and fear are starting to crawl into every fiber of my nerves. My hands on my sides were already balled in jealousy. Earlier, there were unwanted thoughts that were trying to surface in my mind, but I was too afraid to entertain them. 

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon