CHAPTER 26

13.8K 677 203
                                    

Chapter 26

Colt Pov

Akala ko madali lang. Akala ko kapag tinulak ko na siya papalayo sa akin ay matutunan ko kaagad na hilumin ang sugat ng nakaraan ko. Pero hindi pala, hindi pala ganon kadali ang bagay na iyon. Nagsisimula palang pala ang lahat sa paglayo ko kay Johannes ang tunay kong laban.

I find it hard to sleep thinking of how he is right now. Dumagdag sa insomia ko ang pag-iisip ko sa kanya. Nakauwi na ba siya sa Japan? Maayos na ba siya? Galit ba siya dahil tinulak ko siya papalayo? Galit ba siya kasi nakipaghiwalay ako sa kanya?

Johannes didn't give me his answer nang sinabi ko dito na maghiwalay na kami. Ang gago ay matigas din ang ulo. Akala niya siguro kasi na kapag di siya pumayag ay di ko magagawa ang nais ko pero nagkakamali siya. I do, what I think is a must during that time.

But in all honesty, that decision was very hard. It was very hard to push your lover away from you. But it is still up to you to choose what's best for both of you. 
 
Ever since Johannes came into life.  Aminin ko man o hindi naging panatag ako sa araw-araw. Naging panatag ako na ay tao na nakakaintindi sa akin. Na may tao nang di ako kayang iwan. Despite of what Johannes did. Despite the using phase of me. Nanaig pa rin sa akin ang bagay na kaya niyang gawin na di hindi kaya ng iba... lalo na ng mga magulang ko.

Galit na galit ako sa kanya pero mahal ko siya. Gusto ko siyang burahin sa isip ko ang mga pinagsamahan namin pero alam ko naman na ang mga panahon na magkasama kami ay ang panahon na nagpapakatotoo ako sa naramdaman ko. Iyong panahon na magkasama kami ay ang panahon na tunay akong naging masaya.

Kapag kasama ko siya nakakalimutan kong mafia underboss ako. Kapag kasama ko siya naging si Colton Pauling ako. Hindi ang Colt na laging nagkukunwari at ngumingiti kahit na nasasaktan na.

Huminga ako nang malalim at ihihiga ko na sana ang katawan ko sa lounger nang marinig ko ang hiyaw ni Finnick mula sa pool!

"Huwah! Desmond ko!!!" Ang hiyaw ni Finnick nang sinubukan ni Desmond na bitawan ito sa 5 ft na lalim na pool.

Nagkukumahog sa pagkampay ang dalawang kamay ni Finnick sa tubig. Nilapitan ito ni Desmond at binuhat.

Yumakap ang dalawang braso nito sa leeg ni Desmond. Halos masakal na nito ang leeg ng kaibigan ko sa higpit noong pagkakayakap niya.

Humagalpak ako ng tawa. Pero nang lingunin ako ni Desmond ay tinikom ko naman kaagad ang bibig ko. Ang sama ng tingin niya. Tumawa lang naman ako sa lagay ni Finnick. Parang nakainom na ito ng ilang timba ng tubig, e.

"I thought you wanna learn how to swim?" Binalingan ni Desmond ang nobyo na naiiyak habang yakap-yakap siya.

"Gusto ko pero di ko sinabi na bitawan mo ako, Desmond ko." Nakanguso nitong wika.

"Then, papaano ka matuto kung aalalayan lang kita palagi?"

"Hmp!"

Napailang ako. Sinama nila akong dalawa dito sa swimming lesson nila. Akala ko naman kung ano na itong tinawag ni Desmond sa akin nang madaling araw. Swimming lesson lang pala.

"Balik tayo sa mababaw. Iyong abot ng paa ko ang sahig." Ngumungusong sabi ni Finnick sa kaibigan ko.

Walang angal naman si Desmond na sumunod dito at nagsettle sila sa 3 ft na lalim ng pool.

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon