CHAPTER 11

17K 651 112
                                    

Chapter 11



Colt Pov

"Tara na Johan."

Ako ang kumuha sa kamay ni Johannes at hinila ko na siya tungo sa pinakmalapit na counter dito sa kinaroroonan namin. Walang naging reaksyon o imik si Johannes nang hilahin ko na siya at sabay kong tinulak ang push cart namin na punong-puno sa mga groceries.

Nakakalito na hindi ko kayang harapin ang mga magulang ko. Naguguluhan ako. Dapat ang mommy ko ang makararamdam nito. Dapat sila ang makaramdam ng ganito, pero bakit ganito? Bakit parang ako ang nahihirapan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Ako lang ba ang na-apektuhan sa nangyari noon? Ako lang ba ang nasaktan? Ang napuruhan?

Bakit ganoon si Mommy? Bakit kung makatanong siya sa akin ay parang di niya ako nakita ng ilang taon? Tàngìna! Halos dalawang dekada niya akong di nakita tapos gan'on-gan'on lang?

Ilang taon akong nagtiis. Ilang taon akong naghirap. Ilang taon akong umiiyak. Ilang taon akong di pinatulog at binabangungot sa nangyari sa pamilya namin. My young heart forgets to forget them. I forgot to forget those dark memories. In the end, ako lang pala ang maghihirap. In the end, ako lang pala ang magdudusa. In the end, sa nawasak naming pamilya ako lang pala ang ganito. Ang anak pala ang sobrang maa-apektuhan.

Wala na akong paki sa mga mata na parang nanunusok na sa likod at sa harap ko. Ang inaalala ko lang ay ang makalayo sa lugar na iyon.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mainit na likido mula sa mata ko. Isang hila lang ni Johan mula sa likod ko ay awtomatik na tumigil ang paa ko. Nabitawan ko ang handle ng push cart nang iikot ako ni Johan sabay ng pagyakap niya sa akin.

"Beibu."

Tinago ko ang mukha ko sa balikat niya at doon bumuhos ang masaga kong mga luha. Tahimik na umaagos ang luha ko habang hinahagod naman ni Johannes ang likuran ko.

"Sshh!"

"Gusto kong umalis... umalis na tayo dito."

"Okay."

Iyon lang ang sinabi ni Johan at iniwan namin ang groceries namin doon. Dumiretso kami sa parking lot kung saan ang sasakyan niya. Pinagbuksan ako ni Johannes sa pintuan ng kotse niya at yumuko na ako para makasakay doon nang may tumawag sa akin.

"Colt! Anak!"

Pati yata si Johannes ay natigilan doon at pareho kaming napalingon doon.

Sinara ko ang pintuan ng sasakyan at humarap kay Mommy. May isang lalaki na sumunod sa kanya na hula ko ay ang half-brother ko.

Tumakbo si Mommy sa akin at saka mahigpit niya akong niyakap.

Di ko magawang i-angat ang kamay ko para mayakap siya. Para akong sinemento sa kinatatayuan ko at wala akong imik kahit na konti at di ako gumalaw.

My fist balled on my side.

Humikbi si Mommy habang yakap-yakap ako.

"I miss you, Colt. I miss you, anak. Miss na miss ka ni Mommy." iyak nito at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Tapos ka na? Aalis na kami." Walang ka-emo-emosyon kong wika.

"Kuya!" sigaw ng half-brother ko.

"Beibu," marahan ang pagtawag sa akin ni Johan pero nandoon ang warning sa tono niya.

"Anak..."

"Aalis na kami."

"Di ba tayo pwedeng mag-usap?"

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon