CHAPTER 16

15.3K 661 83
                                    

Chapter 16

Colt Pov

"He's been watching us—you, Colt." Mirna said, and for the sake of my ears, I don't know how many times she repeated it to me. She was referring to Johannes, who was a few meters away from us. 

I turned my head to where Johannes was. He's with Mang Hermes, Mang Joel, and the company. May birthday celebration kasi dito at naimbitahan kami. Malaki-laki ang handa kaya halos lahat ng taga rito ay naimbita.

Despite the crowd in front of us. In spite of the sounds, laughs, and chaos of the children running around, I felt Johannes' eyes watching me. It feels like I can hear his heartbeat and see what his eyes are showing. 

Gabi na at ang ilaw lang na galing sa balkonahe at ang maliit na ilaw ng bombilya dito sa labas nalang ang nagpapaliwanag sa paligid. May mga lasing na at nagsasayawan. May hiyawan na kung sino ang mas magaling sumayaw at ang ilang mga bata ay umuwi na. Kadalasan sa nandidito ngayon ay mga matatanda na at may tama na rin sa alak.

Si Mirna nga ay pansin kong inaantok na rin pero nilalabanan niya iyon. Pilit niyang pinapasigla ang mata niya. Ayaw ko pa namang umuwi kasi nandidito pa sina Mang Hermes at Manang Saring. May tama na kasi si Mang Hermes kaya baka kailanganin ako ni Manang Saring dito mamaya.

I leered at Johannes, who was still watching me intently. Hindi siya natinag sa mga nanlilisik kong tingin sa kanya. Kahit na sa konting puting ilaw ay nakikita kong namumula na siya. Kahit na umitim siya ay mapapansin mo pa rin talaga ang pula sa kanyang pisngi at sa bandang dibdib niya.

"I think he's jealous, Colt."

Doon ako napalingon kay Mirna na sumalapak na ang pisngi sa mesa. Inangat ko ang ulo niya at pinaunan ang palad ko.

"It's dirty." I said in disgust.

Ngumiwi lang siya sa akin at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.

"Please, don't be so gentle to me, Colt. Nagmo-move on pa ako sayo." biro niyang turan.

Iniling ko nalang sa kanya ang ulo ko at tipid na ngumiti. Pumikit lang siya at patuloy na inunan ang pisngi niya sa mesa. Inaantok na siya pero ayaw niya pang umuwi.

"Ipapahatid ba kita?" tanong ko sa kanya mayamaya. May mga bisita pa naman na pwedeng maghatid sa kanya pauwi.

"H'wag na. Mag-aabala ka pa ng ibang mga tao, e."

"But you're sleepy."

"Tse! Ayaw ko lang makita ang nanlilisik na mata ni Johannes, 'no." rason niya.

Muli akong napalingon kay Johannes. This time, I saw how the guy, Johannes, dodged my eyes. He's just drunk too, I guess.

Sa loob ng isang linggo niyang pags-stay sa bahay nina Manang Saring at Mang Hermes ay wala kaming masyadong pinag-uusapan.

Nagkakasalubong, nagkakasabay kami sa agahan, tanghalain, at hapunan ngunit wala kaming napag-uusapan. Di kami nag-uusap. Magkatabi kaming natutulog sa loob sa mga gabi na nandidito siya. Magkatabi kami ngunit walang imikan.

Pagkatapos kung sagutin ang mga tanong niya no'ng gabing dumating siya dito. Doon lang din nagtapos ang usapan namin. Akala ko nga no'n aalis siya kina-umagahan kaso nagkamali ako. Tumagal siya.

Now, he even go with Mang Hermes kapag pumapalaot at kapag pumupunta ito sa bayan para magbenta ng isda. I don't know if he's good na at it or not, because I'm not interested in knowing it either.

Sa sitwasyon ko ngayon. Napapaisip nalang ako kung tama ba ang desisyon ko na maging bodyguard dito kay Johannes. Kung tutuusin naman ay pwede ko siyang tanggihan. I know that he's just baiting me when he used Lorcan. Alam niya kung gaano ko ni-rerespeto at iniidolo si Lorcan. And he used it against me.

[MUS4] The Bachelor's Desires|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon