13.

581 30 17
                                    

Alas sais na ng gabi nang maalala kong may family dinner nga pala kami sa labas. Sa dami ba naman ng ginawa namin ni Luhan dito sa bahay (ops, wala kaming masamang ginawa), wala na akong matandaang iba. Siya na kasi laman ng isip ko eh, hehe. Oops.

Nagbihis na ako at nag-ayos nang may kumatok sa kwarto namin ni Jongin. Busy kasi si Jongin dun sa kabilang kwarto, kasama si Kyungsoo. Kaya ako mag-isa dito. Si Jongin naman, sinipa pa palabas si Suho hyung para lang makasama si Kyungsoo at masolo. Pfft, galawang Jongin.

"Sehunnie?"

Lumingon ako sa pinto at nginitian ang one and only ko. "Hmm?"

"Uwi ka kaagad mamaya ah?" sabi niya sabay pout.

Lalong lumawak yung ngiti ko at nilapitan ko siya. "Opo, uuwi ako kaagad pagkatapos naming kumain sa labas." Natutuwa ako pag ganito siya sakin, feeling ko tuloy mag-asawa na kami hehe.

"Maghihintay ako sayo."

"Baka pagalitan ka ni hyung." Strikto pa naman si Suho hyung pagdating sa curfew. Makikita mo nalang yan na umuusok ang tenga.

"Eh, okay lang. Gusto ko lang na ako ang makikita mo agad pagdating mo," sabi niya ulit sabay nguso.

Nagnakaw naman ako ng madaling halik. "Ikaw talaga, siyempre ikaw naman talaga ang makikita ko. Bulag na ako pagdating sa iba eh."

Namula yung mga pisngi niya. "Heh! Wag ka nga, huhu. Mamimiss kita, baka hindi na kita papuntahin sa family date na yan!"

Ginulo ko yung buhok niya. "Alam mo namang importante 'to, diba? Siguro may pag-asa pang mabuo ulit yung family namin. At alam mo naman yung si Horat, ang arte-arte. Baka pagsalitaan ako nun kung sakaling hindi kami magkita. "

"Eh, sige na nga. Alam ko namang gusto mo rin makita daddy mo. Bilhan mo nalang ako ng hello kitty! Pag hindi, patay ka sakin! Magtatampo ako sayo!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Opo, bibili po ako. Kung wala ako mahanap, pwede bang kiss nalang? Hehe."

"Pwede rin hihihihi."

Namula ang mga pisngi namin.

Sumapit na ang alas siyete at sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papunta dun sa bahay ni mama. Sa Viva Polo kami kakain, ang restaurant ng family ni Chanyeol. Ako nalang yung pumili ng restaurant, at sa tingin ko ang Viva Polo ang tamang-tama na lugar para sa reunion namin. Maganda kasi ang ambiance sa loob, at sa tingin ko matutuwa naman si mama pag nalaman niyang dun kami kakain. Paborito niya kasi si Chanyeol sa barkada, at tuwang-tuwa talaga siya pag nakiikita niya si Chanyeol. Para ngang siya yung anak eh.

Kumatok na ako sa pinto ng bahay. "Mom? You ready?"

"Just a minute, baby." Narinig ko ang mga mabibilis na takbo ni mama sa loob ng bahay at ang mga pagkalikot niya sa loob. Alam ko na ang ginagawa niya: hair, make-up, yung keys ng bahay at yung purse niya. Lumabas na siya at nakita kong suot-suot niya ang isang elegant black dress na binili ko nung birthday niya. "Okay, I'm ready." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look dashing, son. And balita ko may nililigawan ka daw? Ikaw, hindi ka na sakin nagk-kwento!"

Tumawa ako. "Actually, we're together already. Pero nililigawan ko na siya along the process."

"Who's the unlucky person?" tanong niya sabay tawa.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon