00.

1.9K 123 34
                                    




"Ah, Sir, maganda po yan sainyo. Bagay sa blonde niyong buhok," sabi sa akin ng saleslady. Tumitingin-tingin kasi ako ng mga coat dito, at nakakuha ako ng gray-colored na coat. Lahat naman bagay sakin eh. Ang gwapo ko kaya.

"Ah, magkano ba 'to?"

"Six hundred and eighty po sir pero gagawin ko nalang na four hundred para sainyo," sabi niya saki habang nagpapacute.

Nanlaki mata ko at nagsimulang maglakad na papunta sa cashier para bayaran. Sumunod naman siya sakin. Hay, bahala na siya. Di niya yata nagets na naweirduhan ako at gusto ko siyang layuan. Narinig kong bumukas yung pinto ng shop kaya napa-alis naman siya sa likod ko. Hay salamat, wala nang sumusunod. Thank you, customer.

Masyadong mahaba yung pila pagdating ko dun, kaya ginamit ko yung kagwapuhan ko para makalusot. Kinalabit ko yung isang lalaking may brown na buhok. Medyo kaheight ko lang naman siya, at base sa pananamit niya, no offence, para siyang babae. Kaya... siya nalang uutusan ko para ipila 'tong damit ko. Hindi naman siya yung magbabayad eh, kaya okay lang siguro. Hindi naman niya matatanggihan 'tong gwapo kong mukha.

Nung nakalabit ko na, napatingin naman siya agad sakin. Pero nagkunyari akong nahihiya kaya nakayuko ako. "Ah, pwede bang pasabay ako netong damit? Bibigay ko sayo yung pera, tapos ipila mo. Sorry ha, mahina kasi katawan ko para tumayo ng matagal," pagpapacute ko.

Inangat ko yung ulo ko para makita yung reaction niya. Pero laking gulat ko nung magtama ang aming mga mata.

"Bakit magkamukha tayo?" sabay naming tanong.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon