10.

628 41 20
                                    


"Anyway, I'll head home na. Siguraduhin mong sasabihin mo na yan kay Luhan ha?" Tumayo na si Enzo at kinuha yung bag niya.

"At bakit ko naman yung aaminin sa kanya?"

"Duh, para magka-love life ka."

"Eh paano kung hindi naman pala niya ako gusto pabalik?" Ayoko nga ma-reject, masakit sa mukha kong gwapo.

"Grabe talaga pagka-egoistic mo no. Hindi mo parin ba nahahalata?"

Kumunot yung noo ko. "Nahahalata ang alin?"

"He freaking likes you, Oh Sehun."

"Utot mo." Sumimangot ako at tumayo na rin. "Ihahatid pa ba kita pauwi?"

"Hindi na, kaya ko na 'to. Tsaka may dadaanan pa ako eh. Ciao!" Nag-wave na siya sakin at tumawid na papunta sa kabila.

Ako? Aamin kay Luhan?

No way.

**

Ugh, college life. Minsan hindi ko alam kung bakit ako nag-college. Eh tamad na tamad naman na ako gumawa ng mga thesis, plus, inaantok ako lagi. Puyat kasi, tapos lagi pang nag-aayang gumala ang barkada. Kumusta naman na ang katawan ko nito?

Gustong-gusto ko mag-doctor, pero ayokong mag-aral. Pwede bang bigyan nalang ako ng katalinuhan ng isang doctor? Parang, poof, alam ko na kung paano lahat. Kung paano mag-surgery, mag-inject, gumamit ng scalpel, maglagay ng cast.

"Oy, tambay ka diyan?" Tumabi sakin si Jongin. Nandito kasi ako sa parang cottage-cottage sa likod ng school. Ten o'clock palang naman eh.

"Wala na akong klase eh, ayoko pang umuwi."

"Ako mamaya pang three. Sama ka sakin, gusto mo?" naka-ngising sabi nito. Ano nanaman kaya ang binabalak nitong Kim Jongin na 'to?

"Dun tayo sa parte ng mga PolSci students. May nakita akong magandang babae. Wow mami!"

Binatukan ko siya. "Akala ko ba gusto mo si Kyungsoo hyung?"

"Oo nga, pero wow mami talaga yung babae eh!"

"Babaero. Wag ka na nga dun kay Kyungsoo hyung, baka kapag maging kayo, masaktan mo lang yun."

"Eh hindi pa nga kami, so no worries."

Inirapan ko siya. "Whatever."

 

Sumunod nalang ako sa kanya. Na-kwento ko na rin pala sa kanya yung tungkol sa pagiging kambal namin ni Horat. Siya at si Enzo palang ang nakaka-alam. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iba, baka ma-weirduhan sila. Lalo na kay Luhan, baka kasi magka-gusto siya dun kay Horat. Nakuha na nga niya si Miranda, bakit ko hahayaang mapunta pa sa kanya si Luhan, diba?

At oo, ipapa-ubaya ko na si Miranda kay Horat. Bahala na siya kung paano niya liligawan yun. Sabi nga ni Enzo, pinagtatagpo ang tao dahil may dahilan ito. Kaya siguro pinagtagpo silang dalawa. At saka, parang mas malinaw na kasi ang nararamdaman ko.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon