07.

808 55 24
                                    

oh wait, ot12 dito kasi i love them so freaking much





"Oh, kainan na." Bumalik na sina Suho kasama si Kris dala-dala ang mga tray ng pagkain namin. Merong fries, chicken nuggets, burgers, tapos siyempre yung bubble tea ko. Ako pa, malakas ako kay Kris hyung.

Kinalabit ako ni Luhan tapos hinarap ko siya. Nakatapat sa bibig ko ang tatlong pirasong fries na may ketchup. "Sehunnie, say ah."

"Ah," sabi ko naman at sinubo na niya sakin yung fries.

"Kainggit naman huhuhuhuhuhuhuhu ang sweet niyo. Tayo nga rin Chanyeol!" Hinila ni Baek si Chanyeol tapos ngumanga. "Subuan mo rin ako!"

"Gago, may kamay ka. Kumain ka mag-isa mo," sagot ni Chanyeol.

"Susubuan mo ako o sisipain ko yang mukha mo?"

"Sabi ko nga. Say ah, Baekhyun." Tinapat ni Chanyeol yung isang nugget sa may bibig niya.

"Aaaahhhh." Ngumanga naman si Baek at sinubo yun sa kanya ni Chanyeol. Yung buo; eh ang laki laki nung nugget. Pfft.





Natawa nalang kami sa kanilang dalawa. Halos lagi naman silang dalawa ganyan; aakalain mo ngang sila eh, kung hindi lang sila magbabangayan mamaya. Parang aso't pusa, kumbaga. Si Chanyeol yung aso tapos si Baek yung pusa, kasi daw si Chanyeol mukhang askal tapos si Baek daw cute na pusa. Siya mismo nagsabi niyan, kadiri no.





"Sehunnie, penge ako bubble tea mo," sabi ni Luhan habang nakapout.

"Ah, teka, bibilhan kita—"

"Hindi! Sayang naman. Patikim lang naman ng bubble tea mo eh." Kinuha ni Luhan yung straw niya dun sa coke niya tapos nilagay dun sa bubble tea ko tapos uminom. "Mmm, sarap naman hehehehehe."

Piningot ko ilong niya. "Dapat kasi nagpabili ka na rin!"

"Ehhhhhhh nakakahiya naman sa kanila. Dami na kaya nilang bitbit."

"Gusto mo bilhan kita?" Ngumiti ako.

Para namang nagningning yung mga mata niya. "Pwede ba?"

"Oo naman, ikaw pa. Lakas mo kaya sakin."

Namula ng konti yung mga pisngi niya. "Ehhhhh Sehunnie naman eh!"

Tumawa ako. "Oo na, sige. Bili lang ako dun ah."





Pumunta na ako dun sa may pinakamalapit na bilihan ng bubble tea. Ayoko na magpaka-layo layo no, papagurin ko lang sarili ko nun. Dakilang tamad ako.





"Uh, miss, isa ngang bubble tea," sabi ko dun sa babae sa cashier.

"Okay, sir."





Buti nalang at hindi siya tulad ng ibang mga babae na papansin sakin. Mahirap kasi maging gwapo, mapupunta sayo atensyon ng mga babae tapos gagawin nila ang lahat para lang makuha ang atensyon mo. Mas gusto ko yung mga effortless kung makakuha ng atensyon, parang si Luhan. Cute siya, at kahit hindi niya yun pansin, ang daming napapatulala sa kanya.





"One bubble tea for me, miss."





Merong isang matangkad na babae ang pumunta sa unahan ko. Nakasuot siya ng Chanel sunglasses tapos may Jimmy Choo pa. Ang taas pa nung stilettos niya, akala mo pupunta ng mall. Eh nasa EK kaya, bakit ka magh-heels kung sasakay ka ng mga dare-devil rides diba? Tanga naman neto, di marunong bumagay sa kung saan pupunta.


Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon