03.

984 64 15
                                    

HI OMG WILL FINALLY UPDATE!!!

--

"Oy, Sehun," pagtawag sakin ni Jongin.

"Oh, kailangan mo?"

"Wala lang hehehehehehehehehehehehehehehehehehehe."

"Meron yan." Sumimangot ako. "Ano yun?"

Umupo siya sa tabi ko tapos ang laki-laki ng ngiti niya. "Samahan mo ako bukas after school. Bibili ako ng sapatos."

"Ano mapapala ko diyan?"

"Um, bubble tea?"

"Kaya ko bumili nun no. Gusto ko yung mahal, para mahirapan ka," sabi ko sabay tawa.

"Sama mo talaga." Sinimangutan pa niya ako.

"Oh, ikaw may kailangan dito eh. Bahala ka, ikaw mag-isang pumunta dun."

"Ehhhhhhhhhh Sehun naman ehhhhhhhhhh."

"Take it or leave it." Nagkibit-balikat ako at ngumiting-aso.

"Geh na nga, ang daya mo," sabi niya sakin sabay irap.

"Gwapo lang. Sige, makakaalis ka na."

Lumabas naman siya sa kwarto ko, at naiwan naman ako mag-isa dito. Kinuha ko yung phone ko tapos nagsimulang kumuha ng selfie ko, habang walang tao. Bihira lang naman kasi ako magpakita sa kanila na nagpipicture ako ng napaka-gwapo kong mukha.

Nagpicture na ako, tapos ayun, pinost ko na sa instagram ko. Follow niyo ako ha? oohsehun. Nagscroll lang ako sa feed ko nang maisipan kong hanapin yung Instagram nung Horat na yun.

At nahanap ko naman.

horatgwapo.

Yuck talaga 'tong lalaking 'to, ang jejemon. De joke. Di naman siya jejemon, kasi parang sinabihan ko na rin yung sarili ko na jejemon ako.

Awkward talaga pag may kahati ng kagwapuhan, hay nako.

Tiningnan ko yung ig feed niya, at wow lang, puro mukha niya. Hindi ba siya nagsasawa sa ka-pangitan niya? Ang vain niya, kadiri. May vsco effects pa. Dami pang likes na nakukuha, feeling gwapo na talaga 'to.

Aalis na sana ako sa ig niya nang makita ko yung bio niya.

Yung username ng pinakamamahal kong Miranda Kerr, tapos may mga heart pa.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon