16.

606 31 13
                                    

Monday, at napagkasunduan namin ni Luhan na sabay kami maglu-lunch, pero kasama namin sina Kyungsoo at Jongin. Isinama na rin namin si Enzo, since gusto naming ipakilala ni Jongin ang bestfriend namin nung high school. Double-date na may fifth wheel, joke. Malay mo may isama si Enzo. Alam mo naman yon, ayaw magpahuli.

Matatapos ang Theoretical Biology ng bandang 11:15, kaya magkakaroon pa ako ng oras para makapunta sa studio. May photo shoot kasi ang pinakamaganda kong model, Luhan hehehehe. Sinabihan na rin naman niya akong matatapos ang shoot nila by 11:30, so pupunta ako doon agad after ng class ko para makita yung last fifteen minutes ng shoot.

Nag-ring na yung bell, at dali-dali akong nag-ayos ng gamit at kumaripas ng takbo papunta sa studio. Nakita kong inaayusan si Luhan ng buhok at saka pinipilian ng damit. Umupo lang ako doon sa gilid; nakita naman niya ako kaya ngumiti siya at ngumiti naman ako pabalik.

"Sehun?"

Napatingala ako doon sa tao. "Yes?"

"Ah, sabi na nga ba ikaw si Sehun! Sabi ni Luhan umupo ka daw doon." Nakita ko yung tinuro niyang upuan, at nakita ko ang isang beanbag na puno ng mukha namin. Personalized, kumbaga.

"Ah, sige. Thanks."

Naghintay pa ako ng kinseng minuto, at hindi ito sayang. Kitang-kita ko kung gaano kadeterminado si Luhan sa modelling na 'to. Napapa-nganga na nga ako minsan, kaya natatawa yung mga taga-ayos niya. Ikaw ba naman makakita ng napakagandang nilalang sa harapan mo. Tsk, lalo na kanina, fierce pa yung pose tapos slightly open yung lips niya. SINONG HINDI MAAAKIT DOON?

"Baby!" sigaw ni Luhan nung makabihis na siya sa uniporme at umupo sa mga hita ko. Niyakap niya ako sa leeg at paulit-ulit naman akong hinalikan. Nakarinig ako ng mga mahihinang hagikgik sa likuran namin, kaya dali-dali kong naramdaman ang pagpula ng aking mga pisngi.

"Babe..." bulong ko. Hinalikan ko naman siya ng napakatagal, at maya-maya rin ay kumalas kami sa halik. "You hungry?" tanong ko.

"Um, a little. Nakakabusog lips mo eh." At tumawa pa siya.

"Psh, ikaw ah. Baka magsawa ka sa lips ko."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Hinding-hindi ako magsasawa sa lips ng baby Sehunnie ko."

Tumayo na ako at tumayo na rin siya. Hinawakan ko kamay niya at naglakad palabas ng studio. "Nagtext ba sayo si Kyungsoo?"

Umiling siya. "Hindi eh, si Jongin?"

"Nope. Tss, saan naman kaya tayo magkikita-kita?"

"Hayaan mo na, hanapin nalang natin sila," nakangiti niyang suhestiyon, kaya no choice na ako kundi sumunod. I'm a slave for Luhan, hekhekhek.

Nilibot namin ang buong department ng Forensic Science, para lang mahanap si Jongin. Oo, gusto kasi niyan dati maging Crime Scene Analyst. Nood ba naman ng nood ng CSI, edi ayon, gusto na rin niyan maging ganon. Pero hindi niya alam kung magiging Coroner ba siya, Forensic Pathologist or Forensic Psychologist, or CS Analyst.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon