08.

671 54 19
                                    

Sino naman kaya yung nagmamahal sakin na iba? Wala naman ako mafeel, pwe. Oh baka manhid ako. Weh hindi naman yata. Ako na yata ang pinaka-sensitive na tao sa mundo. Tapos gwapo pa.

"Sehun-ah." Napalingon ako at nakita ko si Tao. Baka naman siya yung may gusto sakin? Pfft. Pero ang alam ko, kay Yifan hyung siya eh.

"Oh?"

"Wala lang."

Sumama yung tingin ko sa kanya. "Ba yan, tatawagin mo ako tapos wala lang pala? Sayang nung effort ko lumingon sayo."

Bigla namang sumingit si Luhan. "Dapat kasi dun ka lumingon sa taong may worth."

"Ay so wala akong worth, ganon?" tanong ni Tao habang naka-pout.

Dumating naman bigla si Yifan at umakbay kay Tao. "May worth ka, ikaw number one sa puso ko eh," sabi nito sabay kindat.

Pinagpapapalo naman ni Tao si Yifan. "EHHHHHH ANO BA YAN!!!"

"Pfft, Tao getting all red," sabi ko.

"AM NOT!!!" Hinila na siya papalayo ni Kris, kaya naiwan kami doon ni Luhan.

Actually, kaming dalawa nalang natira dun sa kainan sa EK. Yung iba kasi, nag-rides pa, tulad nina Chanyeol, Baekhyun, Jongin at Kyungsoo. Yung iba, napagdesisyunan nang umuwi, kasi wala daw magbabantay. Nanguna na diyan si Suho, Jongdae, Minseok at Yixing. Si Tao at Yifan, feeling ko sumakay sa mga swan thingy.

"I guess it's just you and me," sambit ko sabay upo.

Tumabi naman sakin si Luhan. "Yeah. It's kinda nice... I mean, just you and me."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Yeah."

"Sakay tayo sa ferris wheel!" Akmang tatayo na siya nang hawakan ko yung kamay niya.

"Maglakad-lakad nalang tayo."

 

Ngumiti naman siya at tumango.

Kaya ayon, naglakad-lakad nalang kami sa loob. Minsan bumili ng pagkain, pero patuloy padin ang paglalakad. Magkahawak padin ang mga kamay namin, pero wala akong pake. Komportable nga ako na hinahawakan kamay niya, para bang hawak ko na ang buong mundo.

"Sehunnie, hawak-hawak mo na lagi yang kamay ko ah? Feel na feel mo no?" tanong ni Luhan sabay tawa.

Sumimangot ako at binitawan ko kamay niya. "Ayaw mo? Fine." Tinalikuran ko na siya tapos nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon.

"Ehhhhh Sehunnie! Wala naman ako sinabi eh!"

 

Blah blah, bahala ka diyan.

 Pumunta ako dun sa may Space Shuttle. Matagal-tagal na rin kasi since nung sumakay ako dito eh. Kaya ayun, pumila ako at hinihintay nalang na sumakay. Ako kasi yung nasa hulihan; ang daming taong gusto sumakay. Nakakatakot pero exciting hahaha.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon