12.

639 36 17
                                    

hi omg magu-update na ako!!! nakakamiss to

--

"Oy, ang lalim ng iniisip natin ah?Tinabihan ako ni Jongin sabay akbay. "Balita ko umamin ka na kay Luhan hyung? Kaya naman pala pulang-pula pisngi niyong dalawa kagabi habang kumakain!"

"Wag ka nga!" Sinipa ko yung binti niya. "Eh ano naman ngayon kung mapula pisngi ko? Ikaw din naman pag kay Enzo ha?"

"Gago, noon yun," sabi niya.

"Weh, bakit, hindi na ba hanggang ngayon?" naka-ngisi kong sabi. Alam ko naman kasi na minsan affected pa yan kay Enzo. Halos hindi nga siya umiimik nung nakita namin siya sa school.

"Heh, mas gusto ko na si Kyungsoo. Sorry siya, pinakawalan na niya ako noon eh."

"Kapal mo ah, baka naman gusto ka ni Enzo." Umirap ako.

"Selos ka?"

"Hindi, gago. Kaya nga nililigawan ko na si Luhan, diba?" Ang gago talaga; gusto ko si Enzo tapos nililigawan ko si Luhan? Hibang din 'tong si Jongin.

Tumawa siya. "Oo na, sige na. Paano mo nga pala siya liligawan?"

"Ha?" Anong paanong liligawan? Bakit, pag nagka-aminan ba kayo, may gagawin ka pang iba? "Paano liligawan?"

"Duh, yung kunyari everyday bibigyan mo siya ng small love note, or may flowers and chocolates siyang maabutan sa desk niya sa school... Yung mga ganun. Yung tipong mapaparamdam mo sa kanya na gusto mo nga talaga siya," pagpapaliwanag niya.

"Eh? May ganun pa ba?"

Binatukan niya ako. "Oo, tanga mo talaga."

"Tanga ka rin, hindi mo sakin sinabi agad."

"Akala ko alam mo na."

"Sa tingin mo may alam ako sa mga ganito?" Umirap ako. "Sanay akong ako yung nilalapitan ng mga babae, ang gwapo ko kasi. Kaya hindi ko ginagawa yang mga ligaw ligaw na yan."

"Hangin mo. Pero seryoso ako, kailangan mong gawin yung mga yun kay Luhan. Baka isipin niya hindi ka seryoso sa kanya." Tumayo na siya at umalis.

Ligaw? Paano ako manliligaw?

--

Naglalakad-lakad ako sa Hall 1 nang matandaan ko ulit yung sinabi sakin ni Jongin. Ligaw... hay! Ang hirap naman nun!

"Uy, kuya, okay ka lang?" Tumingala ako at nakita ko ang tatlong babae sa harapan ko.

"Hindi," masungit kong sabi. "Sino ba kayo? Sorry, I don't talk to strangers." Tatayo na sana ako nang sabay-sabay nilang hablutin yung kamay ko. Creepy.

"Ako si Jasmine."

"Steff."

"And I'm Patricia."

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon