17.

618 41 29
                                    

Dali-dali kong kinuha ang phone ko para masabihan si Horat. Kailangan na naming malaman kung sino ba yang lalaking yan. Malay mo idol pala kami at nagpaayos ng mukha para maging kamukha namin. O kaya, doppleganger! Geez, nakakatakot talaga pag ang gwapo ng mukha.

To: Horat
11:57 AM

Oy, nakita ko yung sinasabi ni Miranda na rainbow yung kulay ng buhok. Kamukha nga natin.

Habang kumakain sila at nagk-kwentuhan, ako naman naghihintay ng text ni Horat. Gagong yan, ang bagal-bagal magreply. Asar, kung sino man ang prof niya ngayon, gago ka! Lunch time na, puta ang tagal tagal mo naman idismiss yang kapatid kong panget!

To: Horat
12:01 PM

Punta ka dito sa Aubergine.

To: Horat
12:05 PM

Hoy sumagot ka

To: Horat
12:08 PM

HORAT IS-SPAM TALAGA KITA

To: Horat
12:13 PM

Horat nakakaasar ka na. Once in a lifetime chance na nga 'to, tapos panahon na rin para malaman natin kung kapatid ba natin siya o isang impostor. Ikaw nga diyan yung atat na atat nang makita si Rainbow eh, tapos ngayong sinsabi ko sayo kung nasaan na, hindi ka naman magpapakita? Kagago ka ah! Samantalang nung isang gabi tinawagan mo ako para lang diyan kay Miranda pero sumipot naman ako! Anong klase kang kapatid?

At himala sa himala, nagreply siya.

From: Horat
12:15 PM

Wag kang madrama diyan. Papunta na ako.

Ang haba-haba ng sinabi ko, tapos yan lang ang masasabi niya? Mababangasan ko talaga 'to pagdating niya dito. Hayop, sinabihan pa akong madrama. Sinong madrama samin? Kung maka-asta nung isang gabi parang pinaplano kong agawin si Miranda. Ugh, nakakainis talaga.

"Uy, Sehun, okay ka lang? Bakit ka nakasimangot diyan sa phone mo?" tanong ni Kyungsoo. Napaangat naman yung tingin ko sa kanila at nakita kong lahat sila nakatitig na sakin.

"Baka naman may tinetext na yang iba," sabi ni Jongin sabay ngisi.

"Ulol, si Horat kasi katext ko. Wag mo nga yan sasabihin, baka mangyari yan sayo. Paiiyakin mo si Kyungsoo."

"Hindi no! Loyal ako!"

"Yun naman pala, eh ako rin. So shut up and eat," sabi ko sabay irap at hinawakan naman ni Luhan yung kamay ko para pakalmahin ako.

Napatitig naman si Gino sakin. "Whoa, burn."

"Don't worry, Gino. Ganyan talaga sila noon pa," wika ni Enzo.

Oh HoratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon