VI

130 7 0
                                    


"I don't think I'll accept this make-up brand. The run-way show in Manhattan will take a lot of my time, kelan ba ang preparation noon?" I sip on my coffee while still focusing on my messy schedule. Kunot noong tinitignan ang nakalatag na mga proposal projects sa harapan ko.

Sabi ko naman kasi kay Ivah ay i-drop na ang ibang endorsement offer dahil malaki naman ang project ko sa D&G pero hindi naman niya ako pinapakinggan! Napaka talaga ng babaeng iyon!

"Sige miss. D&G will probably start by August, Miss. How about LV, malaki iyong offer miss kaya sabi ni Miss Ivah, pilitin daw kitang kunin ito."

"Saan ko naman isisingit iyan, kung makakapag-antay silang matapos lahat ng shoot ko at bago ako lumipad pa US, sige I'll take it."

"Iyon na lang miss. I'll tell that to Miss Ivah para matawagan namin ung management." Tumango-tango naman ako habang nakabusangot pading nakatingin sa sched ko. Pinatay ko na ang iPad at ibinalik iyon kay George bago nagpakawala ng isang buntong hininga at hinilot ang tungki ng aking ilong.

"Wala man lang ba akong isang araw na pahinga sa mga susunod na weeks?"

"After the third week of this month, Miss Selene." Napahilot na lamang ako sa aking ulo ng marinig ko iyon. Though some of my days are not pack as my busy days, gusto ko pa din ng self-care day! Masisira ang balat ko sa sobrang stress kung ganitong siksik ang isang araw ko.

Ugh! Sometimes I hate this job for sucking so much of my energy.

Parehas kaming napabaling ni George ng bumukas ang pinto at pumasok si Ivah nang may ngiti sa mga labi niya. Agad ko naman siyang inirapan ng magtama ang mata namin kaya naman masaya siyang tinawanan ako. If I could just wipe that smug look on her face, baka hindi na ko magreklamo sa dami ng naka-schedule na projects sa akin.

"Kamusta George, nakumbinsi mo ba si Selene?" Agad kong itinaas ang middle finegr ko sa biro niya. Her laughs echoed in her office kaya naman mas lalong gumusot ang busangot kong mukha.

"Iyong make-up brand daw po na bago baka hindi na natin kunin dahil punong-puno na po ang sched ni Miss. Itong isang endorsement naman at magazine photoshoot, mukhang maco-compromise ang time allotment dahil mag ooverlap ang sched kung sakali. Masyado na talagang packed ung sched ni Miss Selene, Miss Ivah. Mukhang hindi na siya makakakuha pa ng bagong projects for the next three months." Nginisian ko naman si Ivah ng sabihin iyon lahat ni George sa kanya. Ivah on the other hand just nod on what George said habang papaupo siya sa swivel chair niya at inaabot ang mga dokumentong being handed to her. Huwag na siyang magkakamaling bigyan pa ko ng projects, hindi lang naman ako ang alaga niya!

Though, I'm the best among her models, I can't cater all the offers!

"Sige sasabihan ko ang bossings regarding dito. Tuloy na tuloy na iyong sa D&G, don't plan on ditching that Selene. Isusumbong kita sa mama mo."

"Why are you using my mom to blackmail me?!"

"Because you're only afraid when it's your mother. Ni hindi ka nga takot sa presidente ng kumpanyang ito."

"I bought one building for this company, who am I to be scared?!"

"Yabang mo naman. Pautang nga." Inismiran ko naman agad si Ivah ng sabihin niya iyon at itinaas ang middle finger ko.

Of course I'm! I have a lot of things to boast about!

George and Ivah continue to discuss about the following schedule kaya hinayaan ko na lamang silang dalawa. I busy myself on posting on my IG story and checking out some of my social medias. Puno lamang ang notification ko ng mga mentions and likes na gawa ng mga followers ko. Some of them even message me to give out some sweet hearted messages. Hindi ko na muna iyon binuksan dahil maya-maya lang ay pupunta na kami sa meeting para sa newest project ko at kasunod na agad ang shoot para sa isang sikat na brand ng jeans.

SALIGIA SERIES #1: SUPERVIAWhere stories live. Discover now