THE BEKI IS INLOVE 17

2.2K 75 19
                                    

Vote.Comment and Follow are highly appreciated!
15. September 2021

EDITED 15JULY2023 please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it.


______

"MOM!" Nanghihilakbot na tawag ni Ashley sa kanyang Ina.

Isang pilyong ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Yvonne ng tignan siya ni Ashley mula sa likod ni Johnny.

"Oh, chill lang anak! Huwag ka namang nakasigaw agad! Tinatanong lang naman kung masarap!" Malaki ang ngiting sabi ni Yvonne.

Napapantiskuhang tinignan tuloy ng masama ni Ashley ang kanyang Ina.

Shit! Ashley rolled her eyes on her and stormed out of the elevator. Mabilis siyang naglakad papunta sa kanyang unit.

Ilang ulit pa kaya silang dalawa na maabutan ng kanyang Ina sa ganoong sitwasyon? Nakakahiya!

And her mother! Ahrgg! She is so unbelievable!

"T-tita." Nahihiyang tawag ni Johnny kay Yvonne para kunin ang atensyon ng ginang habang parehas nilang pinagmamasdan ang likod ng papalayong si Ashley.

"Iho!" Malaki ang ngiti ni Yvonne kay Johnny na ikinabahala niya.

Mas nanaisin pa ni Johnny na magalit si Yvonne sa sitwasyong naabutan nito kesa sa malaking ngiti na nakapaskil ngayon sa labi ng ginang. Hindi tuloy sigurado si Johnny kung tunay ba o nagpapanggap lang ang ginang sa reaksyon nito ngayon sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Johnny ng mabilis na gumalaw ang braso ng ginang kaya't napapikit siya, hinihintay ang suntok o sapak ngunit isang yakap sa braso ang natanggap ni Johnny mula rito.

Nang minulat ni Johnny ang kanyang mga mata ay nakita niyang muli ang matamis na ngiti ng ginang sa kanya.

"So, magkaka-apo na ba ako, iho? Oh my god, I am so excited about this!" Halos tumili ang ginang dahil sa labis na kasiyahan.

Natawa na lang tuloy si Johnny sa inasta ng Ina ni Ashley.

"Sana nga po, para hindi na siya mawala sa akin." Hindi napigilang sagot niya sa ginang.

Parehas na nanlaki ang mga mata ni Johnny sa kanyang sinabi at sa narinig ni Yvonne. Nagtititili tuloy si Yvonne dahil sa naging sagot ni Johnny kaya napangiti na lang ang huli.

Hindi tuloy napigilan ni Yvonne na paluin ang pang-upo ng binata dahil sa tuwa sa sinabi nito.

"T-tita!" Gulat na napangiwi si Johnny sa naging reaksyon ng ginang.

"Sensya na, iho! Ako ay natutuwa sa iyong naging kasagutan pero mas lalo akong natutuwa para sa aking anak!"

Napangiti naman si Johnny kay Yvonne at magaang hinawakan ang kamay nito.

"Kung nanaisin ni Ashley na makasama ako why not diba, Tita? I would gladly do that." Nangangakong turan ni Johnny kay Yvonne.

Mas lalo tuloy naging malaki ang ngiti ng ginang dahil sa naging sagot niya. Halos mapapalakpak pa nga si Yvonne dahil sa kasiyahan sa puso para sa nag-iisang anak.

"Sige at maiwan ko na kayo! Nakwento kasi sa akin ng empleyado dito ang nangyari sa iyo. Pati ang pangalan ni Ashley ay aking narinig kaya ako'y dumaan para i-check kayong dalawa. Baka kasi akala ko nag-away na kayong dalawa."

Napansin ni Johnny ang paglungkot at pagbaba ng tono ng boses ni Yvonne sa sinabi nito.

"Ayon po ba? Don't worry, Tita! I'm okay now." Maikling sabi na lang ni Johnny rito, ayaw niyang mag-alala pa ang ginang sa kanya.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon