THE BEKI IS INLOVE 3

5.2K 134 24
                                    

Votes and Comments are highly appreciated!
EDITED 10 AUG, 2022 please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it 👑



______  亗

NATAPOS na lang ang kasal at nakabusangot parin si Annie hanggang ngayon. 

Mag-isa na lang siya ngayon sa kanyang unit na pansamantala niyang inuupahan para sa dalawang buwan na bakasyon, ang kanyang mga kaibigan kasi ay umuwi na. Balak kasi ng mga ito sa lugar ng jowa nila magbakasyon.

Edi sana all na lang! Napabuntong-hiningang mahinang usal niya sa kanyang sarili.

Sa totoo lang kaya siya nakabusangot ay hindi siya makapagpasya kung pupunta ba siya o hindi. Sayang naman kasi ang free accomodation sa isa sa pinaka-sikat na hotel sa Paris, makikita niya na harap-harapan ang tourist spot doon na Eiffel Tower. My God! He is torn between not going and the urge to see the tower before his own eyes!

Napataas ang kilay niya ng mapagtantong pwede naman niyang pakisamahan ang tomboy na iyon. 

Kapag naasar na siya ng sobra ay pwede niya naman itong huwag na lang pansinin at imagine'nin na sinasabunutan ito hanggang sa mawala ang kulay nito sa kanyang buhok at maalis ang piercing nito sa kanyang ilong without even risking his profession being a proud teacher!

Nakita na lang niya ang kanyang sarili na nage-empake ng kanyang mga damit na dadalhin. 

Inayos niya ang kanyang toiletries at nilagay sa isang maliit na black and white polka dotted bag. Isang gym bag naman ang dala niya na punong-puno ng kanyang mga damit na isusuot at isang unisex sling bag na kulay maroon na pwedeng isabit lang sa leeg. 

He put his phone, passport, and other valuable things in there and headed to the airport.

Ilang minuto lang ang hinintay niya hanggang sa tawagin ang flight number niya sa intercom, mabilis siyang tumayo at nakipila to check-in.

After some important errands happened in the departure area ay sinundan na lang niya ang mga kasabayan niyang pasahero. Nang mahanap niya na ang kanyang number seat ay malaki ang ngiti niya ng makitang na nasa window seat siya.

He wanted to see how clear and blue the sky is to welcome his sight when he board the plane. He fished out his cellphone from his bag, took his earphones out, plays a music on it and closes his eyes while waiting for the plane to take off.

After a while, sweet but something musky scent filled his nostrils and somehow he enjoys it. He imagined himself smelling the scent out of it while his face is buried between that man's face and neck. He smiled sweetly at that thought and open his eyes.

Muntik na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan ng makita ang pinakahuling mukha na gustong makita niya. Iyong tomboy sa simbahan na pinsan ni Fafa Jake ang katabi niya! Anak ng tokwa! 

Walang emosyon na nakatingin ang babaeng binata sa kanya habang i-ilang pulgado na lang ang pagitan ng kanilang labi.

"Shit, tombs! Huwag mo nga akong tinitignan ng ganyan. Tinataasan ako ng balahibo sa iyo, ee!" hindi niya napigilan ang mahinang asik niya rito. Mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakasabi niya at nakontrol ang kanyang sarili, ayaw naman niyang mag-eskandalo at makakuha ng atensyon sa ibang pasaherong katabi nila.

Ashley just rolled her eyes and smirked at him. Ang sarap talagang makita ang reaksyon ng baklang ito kapag naaasar, mahinang sabi na lang niya sa kanyang sarili.

Napanganga na lang si Annie sa inasta ng babaeng binata. Shit! Kung maka-asta akala mo may muscles! Mahinang bulong ni Annie sa sarili niya.

Marahas na lang na napabuga sa hangin si Annie at isinalampak sa upuan ang katawan niya. Sa dinami-dami ng pasaherong kasabayan niya, bakit ang makakatabi niya pa ay iyong tomboy pa na nangahas na tawagin siyang ungas? Damn.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon