THE BEKI IS INLOVE 18

1.8K 56 9
                                    

Vote.Comment and Follow are highly appreciated!
18. September 2021

EDITED 21AUG2023 please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it. 

Thanks for waiting!

______ 亗

JOHNNY IS DELIGHTED.

And when you are happy, time flies so fast.

It's already been eight weeks since Johnny went to attend his friends' wedding and meeting Ashley, the woman that is now the love of his life.

Now, Johnny needs to go back on where he lives.

"Love naman, bibisita na lang ako rito once a week. I'll be going here after my class every Friday and return on Sunday evening." Paliwanag ni Johnny kay Ashley. 

Umiiyak si Ashley at mahigpit itong yumakap muli kay Johnny. 

I guess this is what they call separation anxiety, Johnny thought. Aminin niya kahit siya man ay ayaw ng malayo sa dalaga.

Huminga ng malalim si Johnny tsaka muling inalo si Ashley. Hinihimas niya ito sa likuran at masuyong muling hinalikan sa noo nito. 

Nang marinig na mabagal na ang hininga ni Ashley senyales na nakatulog na ito ay napabuntong-hininga si Johnny.

Ano na kayang gagawin niya ngayon? 

Binuhat ni Johnny si Ashley papunta sa kama nito at agad na kinumutan ng malilis ang suot nitong dress. Napa-iling si Johnny dahil sa agad na paghigpit ng kanyang pantalon na suot dahil sa makinis na legs ni Ashley.

Muli ay napabuntong-hininga si Johnny ng pinakatitigan niya ang mukha ni Ashley. Namumula ang pisngi nito pati na rin ang maliit at matangos na ilong nito. 

Kanina pa kasi ito umiiyak simula ng ipaalam ni Johnny rito na kailangan na niyang bumalik sa kanila bukas ng tanghali. Mag-uumpisa na kasi ang brigada eskwela at lahat ng titser ay dapat present para sa paghahanda sa umpisa ng klase.

But Johnny was having a hard time to decide whether to go back or just pass his leave of absence.

Nakatulala na lang si Johnny habang nakatingin sa mukha ni Ashley at agad na kumirot ang kanyang puso ng makita ang luhang muling tumakas sa mga mata ni Ashley. 

Madiin ang naging pagkagat ni Johnny sa kanyang pang-ibabang labi ng pinunasan niya ang pisngi ni Ashley dahil sa luha nito.

Nang tumunog ang kanyang aparato ay agad niya itong sinagot upang hindi magising si Ashley.

"Sir John, may problema tayo!" Halos tumitiling sabi ng kanyang kausap na si Annabelle, katrabaho niya ito sa eskwelahang pinapasukan. 

"Ano ba iyon babaita? Mababasag ata ang eardrum ko dahil sa iyo, e." Alam ni Johnny na humaba ang nguso ng kausap nito dahil sa kanyang sinabi.

"Ganito kasi yan, magco-conduct tayo ng program sa umpisa ng Brigada." panimula ni Annabelle sa kanyang sasabihin.

"Oh, tapos? Iyon lang naman pala, bakit may patili-tili ka pang nalalaman jan?" Asik ni Johnny rito. 

Alam naman ng kapwa guro na si Annabelle na nagbibiro lang siya. Sanay na ang mga ito sa kanya sa uri ng kanyang pagsasalita dahil sa araw-araw nilang pagbabardagulan sa teacher's office.

"Ikaw ang naatasan ng principal na magplano at maglead dahil sa ikaw raw pinaka-madaming ka-close na tao rito." dagdag nito na ikinataas ng kilay ni Johnny.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon