THE BEKI IS INLOVE 35

781 32 6
                                    

Second update for this day.
Please wait for the next part at 10pm!

Happy 8.33k reads. Thank you so much!

Vote.Comment and Follow are highly appreciated!

NOT EDITED  please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it.


Thanks for waiting!




__

MABILIS na tumakbo siya papunta sa maliit na bahay na kanyang pinanggalingan kani-kanina lang.

Wala nang ilaw na nanggagaling sa maliit na bahay na iyon. Hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip ng kung ano-ano.

Ang kapatid niya, baka napano na ito. Hindi niya talaga mapa-patawad ni Eric kung nagkataon na may mangyari sa kanyang sariling kapatid.

Medyo malayo na rin ang kanyang nalakad nang magsimula siyang hanapin si Ashley kaya ilang minuto rin ang kanyang tinakbo pabalik hanggang sa nakarating siya sa tapat ng pintuan.

"Justine!" sigaw na tawag niya kasabay ng kanyang pagtadyak sa pinto para bumukas ito.

Itinapat niya ang kanyang cellphone para ilawan at nang makita niya kung ano ang nangyayari sa loob.

Halos mangilabot siya sa kanyang naabutan. Hindi niya na makilala ang hitsura ng kapatid na si Justine at ang tarantadong si Eric.

Gulong-gulo ang mga buhok ni Justine katulad ni Eric. Parehas ang mga itong naka-upo sa sahig habang hindi gumagalaw.

Ang mga kamay ni Justine ay nasa leeg ni Eric at ang mga braso naman ni Eric ay nasa taas ng ulo ni Justine.

Hindi ang mga ito gumagalaw dahil naka-tingin ang mga ito sa isang bahagi ng kwarto, sinundan niya ito ng tingin atsaka itinipat ang flash light ng kanyang cellphone.

Napa-singhap siya astaka halos mabitawan niya ang kanyang hawak na cellphone nang makita kung ano ito. Hindi pala ano, kung hindi sino.

"Shit! Ashley!" tawag niya sa babaeng halos pumipikit-pikit pa at may hawak na isang baril.

Hindi nga siya nagkamali na ang tunog na kanyang narinig kanina ay galing sa isang putok ng baril. May hawak na baril si Ashley, saan kaya nito nakuha iyon?

Atsaka, saan ba ito nanggaling? Nagka-salisihan kaya sila?

Unti-unti siyang lumapit rito habang mahigpit ang kanyang hawak sa kanyang cellphone.

Nakita niya na nasisilaw si Ashley sa kanyang hawak na cellphone na naka-on ang flash light kaya inilapag niya muna ito sa kung saan at ang ilaw ay natutok sa kisame.

Natigilan siya sa kanyang paglalakad nang makitang pumaling ang ulo ni Ashley upang tumingin sa kanya.

Nakita niya kung paano nagbago ang emosyon sa kanyang magandang mukha.

"Hey love! Where have you been? I've been searching for you." Bati nito sa kanya.

Ngumiti siya rito at akmang lalapit nang matigilan siya sa kanyang paghakbang.

Napakagat siya sa kanyang labi ng makitang nag-uunahang tumulo ang luha ni Ashley sa makinis na pisngi nito. Akmang lalapit siya rito ng bigla itong sumigaw.

"STAY THERE!! DON'T COME NEAR ME, YOU BASTARD!!" nanginginig ang mga kamay ni Ashley habang itinutok sa kanya ang mga baril na hawak nito.

"Ashely."

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon