THE BEKI IS INLOVE 19

1.6K 51 12
                                    

Vote.Comment and Follow are highly appreciated!
Mon. 20 September 2021

EDITED 28AUG2023 please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it.

Thanks for waiting!

______ 亗

ALAS SAIS ng umaga ng magising si Johnny upang maghanda sa pagpasok niya sa paaralan.

Kahapon lang sila nakarating sa barrio ngunit ngayon nga ay sasabak na agad siya sa trabaho. No choice dahil kung hindi siya papasok ngayon ay malamang highblood na naman ang principal sa kanya.

And he loves his job! Mahal niya ang kanyang trabaho. Kahit hindi man halata ay iniingat-ingatan niya ito.

Mabilis na nagsaing at nagluto ng ulam si Johnny bago maligo. Pagkalabas niya galing banyo doon ay nadatnan niya si Ashley na naka-upo sa kama habang nakaharap sa pintuan, halatang kanina pa siya hinihintay.

"Morning, love. Ang aga mo namang nagising?" Tanong ni Johnny kay Ashley bago ito nilapitan, ngayon nga ay nakatayo na si Johnny sa harap ni Ashley habang naka-upo ito.

Umangat ang tingin ni Ashley sa mukha ni Johnny tsaka ngumuso.

"Wala na kasi akong naramdaman na katabi ko kaya nagising ako." Doon ay napangiti si Johnny tsaka yumuko para abutin ang noo ni Ashley upang halikan.

"Look at you, love! You can't do anything without me. Or should I say, you can no longer live without me?" Biro ni Johnny sa kanya, ngunit ganun' na lang ang pag-init ng kanyang pisngi ng marinig ang sagot ni Ashley.

"You finally realized that?" Natahimik si Johnny dahil sa kilig na naramdaman.

Alam niyang namumula ang kanyang pisngi at nais niya itong ikubli kaya walang imik siyang tumalikod at nag-umpisa ng magbihis.

"Oh, bakit hindi ka makasagot jan?" Tanong ni Ashley sa kanya ngunit hinayaan na lang muli ni Johnny ito tsaka pinagpatuloy ang pagbibihis.

"Hoy, beks!" Tawag ni Ashley muli sa kanya at doon ay nanlaki ang mga mata ni Johnny. Mabilis na nilingon ni Johnny ito tsaka sinamaan ng tingin. Pinameywangan niya pa ito bago sinagot.

"Can't you give me time, love? Hindi ba pwedeng hindi makapagsalita dahil sa sobrang kilig?" Nakangiti na pabiro niyang inirapan si Ashley tsaka muling nagpatuloy sa pagbibihis.

Sinusuot niya na ang kanyang polo ng maramdaman niya ang mainit na yakap ni Ashley mula sa kanyang likuran. Dahil sa katangkaran na taglay ni Johnny ay tumingkayad si Ashley tsaka ito hinalikan sa batok.

"I love you, babe." Hindi makagalaw si Johnny dahil sa kanyang narinig.

Napapikit siya tsaka pinakiramdaman ang tibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Tila may mga kabayong nagkakarerahan ngayon dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Humarap siya rito tsaka hinalikan ito sa noo.

"I love you more, babe." Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ashley dahil sa kanyang narinig.

Thanks God for everything!

Matapos ng kanilang agahan ay agad na inayos ni Johnny ang kanyang gamit na dadalhin para sa pagpa-plano sa Brigada eskwela.

"Hindi ka talaga sasama sa akin?" muli ay tanong ni Johnny kay Ashley na naka-upo sa kama habang siya ay pinagmamasdan na inaayos ang kanyang mga gamit.

"Hindi na. Dito na lang muna ako." nakangiting sabi ni Ashley sa kanya.

"Okay! Babalik na lang ako dito ng tanghalian para sabay tayo kakain." Nakangiting sabi na lang ni Johnny sa kanya.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon