THE BEKI IS INLOVE 29

986 36 5
                                    

Vote.Comment and Follow are highly appreciated!


EDITED 03november2023 please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it.

Thanks for waiting!




___

Finally! Nakababa na si Jamie ng ground floor ng hindi nahihimatay!

Patakbo siyang iika-ika para habulin si Ashley na pasakay na sa isang kotseng pamilyar sa kanya ngunit hindi niya maalala kung saan niya na ito nakita.

"Ashley!" sigaw ni Jamie.

Pinagtitinginan na si Jamie ng mga tao dahil sa nakakabinging kanyang sigaw.

Napatigil si Ashley sa pagpasok sa sasakyan ng marinig na tinawag ang kanyang pangalan. Pero hindi niya na ito nilingon dahil alam niyang si Johnny ito, wala ng iba.

Sumakay na siya at umandar na ang kotseng kanyang sinasakyan.

"Ashley!" ulit pang sigaw ni Jamie pero hindi niya na ito naabutan. Napahawak siya sa kanyang hita habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Mariin siyang napapikit at nilunok ang bikig sa kanyang lalamunan. Hingal aso siya dahil sa kanyang pagod.

"Sir John, akala ko ikaw iyong kasama ni Ma'am Ashley. Nagtataka nga ako kung bakit ang bilis mo naman nagpalit ng damit, hindi pala ikaw ang kasama ni Ma'am." Sabi ni Rolly. 

"Kilala mo ba kung sino kasama niya?" tanong ni Jamie rito habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Hindi ko, Sir, namukhaan, nakasuot kasi iyong hood ng jacket niya." Tumingin si Jamie sa mukha ni Rolly at nakita naman niya na nagsasabi ito ng totoo.

"I need to know who that fucking man is!" nagngingit-ngit na sabi niya rito.

Matalim ang naging tingin ni Jamie at nakaramdam naman ng kaba ang huli. Para kasing hindi ito si Sir Johnny na naka-usap at nakatawanan niya kani-kanina lang. 

Napalunok si Rolly atsaka nag-iwas ng tingin.

"Pero paano ko siya makikilala kung wala namang nakaka-kilala sa kanya." Usal si Jamie sa kanyang sarili. 

Tumayo siya nang tuwid at tinignan sa mata si Rolly.

"Pwede ko kayang makita ang review ng CCTV?" seryosong tanong niya rito. 

Laglag ang panga naman ni Rolly dahil sa kanyang sinabi. Napakamot ito sa kilay atsaka umiling.

"Malabo Sir, mahigpit ang bantay sa control area." Napabuntong-hininga naman si Jamie sa kanyang narinig.

Feeling niya para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Ngunit nabigla si Jamie ng hinawakan siya ni Rolly sa braso at nilapit nito ang ulo sa kanyang tainga para bumulong.

"Pero, Sir, dahil malakas ka sa akin, syempre magagawan natin ng paraan yan." 

Walangya! Amoy pa rin ni Jamie ang hipon at garlic sa hininga nito!

Hinila siya ni Rolly at wala siyang nagawa kung hindi sumunod rito. Huwag lang sana nitong sayangin ang kanyang oras dahil kung hindi ay mababatukan niya talaga ito.

Marami silang nalampasan na mga pasikot-sikot at sulok ng gusali bago nakapasok sa isang room. Pagkabukas nito ay may hagdan pang pababa at doon nakita na ni Jamie ang sign na, CONTROL ROOM.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon