THE BEKI IS INLOVE 33

728 24 2
                                    

Last update for this day!
Thanks for waiting.❤
Vote.Comment and Follow are highly appreciated!

NOT EDITED  please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it.


Thanks for waiting!




__

My baby!

Hinihintay niya ang pagla-lagapak ng kanyang pang-upo sa malamig na sahig ngunit hindi iyon ang nangyari.

Naramdaman niya ang mahigpit na hawak sa kanyang braso, pinipigilan ang kanyang pagkaka-bagsak sa malamig na sahig.

Nakarinig na lang siya ng sarado ng pinto bago niya iminulat ang kanyang mga mata.

Nakita niya si Eric na walang buhay ang mata habang ito ay naka-tingin sa kanya na lugmok na lugmok.

Naka-ngisi ito sa kanya habang hawak-hawak ito sa kanyang braso, pinigilan ang kanyang pagkaka-bagsak sa sahig.

Kaya pala hindi lumagapak ang kanyang pang-upo sa tiles, hinawakan pala siya ng lalaki.

Ngunit halos batukan niya ito ng marahas siya nitong bitawan kaya napa-upo pa rin siya sa sahig, hindi naman iyon masakit, medyo lang.

Feel at home na pumasok ito sa kanyang unit at nilakad ang papunta sa kanyang kwarto, pagkalabas niya ay may hawak na itong damit atsaka ibinato diretso sa kanyang mukha.

Nangi-alam na pala ito sa kanyang gamit at hindi niya pa alam, ang kapal ng mukha!

"Ang kapal ng mukha mo." Mahina niya itong bulong, para hindi niya nito marinig.

"What the fuck?" sabi nito.

Mukha atang narinig siya nito ngunit hindi niya na ito sinagot. Napa-kamot si Eric sa kanyang kilay atsaka tinignan ito ng masama.

"Stand up and fucking wear this clothes."

Walang nagawa si Ashley kung hindi sundin ang utos nito, pumasok siya sa kanyang kwarto at mabilis sinuot ang damit.

Ramdam niya ang lamig ng aircon banda sa kanyang dibdib pero hindi niya ito inalintana. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin atsaka napa-kagat siya sa kanyang labi.

Those clothes she's wearing is damn revealing, she is not supposed to dress like this. Hindi siya sanay rito at ayaw siyang nagsu-suot ni Johnny ng ganitong ka-revealing na damit.

Pero wala siyang magagawa, alangan naman at suwayin niya ang sinabi ni Eric.

Ayaw niyang ilagay sa panganib ang sarili niya at ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Pinunta niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Napasinghap siya ng marinig niya ang mahinang katok sa kanyang pinto. Napa-lunok siya atsaka tinignan ang pintuan, ilang segundo pa ang nakalipas ay mas lalong bumilis at lumakas ang katok sa kanyang pintuan.

Narinig niya ang mariin na sigaw ni Eric sa likod ng pinto.

"Your time's up now bitch. Now be a good girl and get here before I smashed your door and pull your hai-..."

Hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin nang buksan niya na ang pinto. Lumabas na siya habang nakayuko ang kanyang ulo.

"Ang dami mong salita, banas ako." Sabi ni Ashley rito atsaka ito ay inirapan.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon