THE BEKI IS INLOVE 36

757 30 6
                                    

Last update for this day.
See you tomorrow.
Vote.Comment and Follow are highly appreciated!

NOT EDITED please do tell me in the comments section kung may wrong grammar and typos parin for me to edit it asap. I'll appreciate it.


Thanks for waiting!




__

Nagising si Ashley sa ingay at alam niyang may nagkakagulo.

Wala siya sa tamang huwisyo pagka-gising niya. Ang kanyang utak ay gulong-gulo.

Hindi niya alam kung anong meron at nakatulog siya, isama pa ngayon na pagka-gising niya parang wala siya sa kanyang tamang pag-iisip.

Para siyang naka-inom ng alak, naduduwal at nahihilo pa ang kanyang pakiramdam.

Nanghihina man ay tumayo siya atsaka inilibot ang kanyang paningin, andito pa siya sa loob ng CR. Ibinaba niya ang kanyang paningin at kinuha niya ang bagay na nakalagay sa flush ng bowl.

Nang mahawakan niya ito ay halos mahulog ito dahil may kabigatan ang bagay na iyon. Hinawakan niya ito sa dalawa niyang kamay atsaka tinignan ng mabuti.

Baril? Saan nanggaling ito? Hindi niya alam kung bakit biglang may baril doon, hindi niya kaya ito napansin kanina nang pumasok siya para magpalit?

Hindi niya alam, litong lito siya.

Lumabas siya sa CR na pupungas-pungas. Sinalubong ang kanyang paningin ng dalawang taong nagbubugbugan.

Hindi niya makilala ang mga ito dahil sa sakit ng kanyang ulo. Napa-pikit siya dahil sa liwanag na sumalubong sa kanya. Siya ay nabibingi dahil na rin sa nalilikhang ingay ng dalawang tao sa kanyang harapan.

Natutok ang kanyang paningin sa nakakasilaw na liwanag sa kanyang harapan. Tinignan niya ang baril na kanyang hawak atsaka itinapat ito sa ilaw, kinalabit niya ang gatilyo ng baril atsaka pinaputukan iyon.

Nagulat siya sa tunog nito ngunit nakaramdam siya ng ginhawa ng hindi na nasisilaw ang kanyang mata.

"What the fuck?!" usal ng isang lalaki. Napapikit siya at halos matumba dahil sa ingay ng boses nito. Itututok niya sana ang hawak na baril ngunit hindi niya mahanap kung nasaan ito dahil sa kadiliman.

Pinikit niya ulit ng mariin ang kanyang mata atsaka iminulat ito. Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagbukas ng isang pinto, biglang nagkaroon ng liwanag.

Tinignan niya ito ngunit hindi niya ito makilala. Malayo itonsa kanya at may hawak itong flash light. Nang lumapit ito sa kanya ay tsaka niya ito nakilala kaya ay natigilan siya.

Johnny!

Napabalikwas ng bangon si Ashley, sumalubong sa kanya ang amoy gamot at ang puting kisame.

"You're awake." Tumingin siya sa taong nagsalita, naka-upo ito sa hindi kalayuan na upuan at may hawak itong libro.

Hindi niya ito kilala, pati ang mukha nito ay hindi niya makita dahil naka-harang ang hawak nitong libro.

"Who are you?" she asked. Staring at the man behind the book he is reading.

Itinaas nito ang kanyang kanang palad para patigilin ito sa kanyang pagsasalita.

"Shhhhh, I'm reading." Sabi nito, napa-irap siya sa kanyang narinig. Napaka-walang modo naman nito. Napahawak siya sa kanyang ulo ng makaramdam siya ng kirot. Napahawak siya sa kanyang tyan.

The Beki Is Inlove(MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon