CHAPTER 1

170K 2.5K 197
                                    

Chapter One

You Belong To Hell


Tamad kong hinithit ang hawak kong vape at ibinuga ang makapal na usok sa dagat nang taong nagkukumpulan sa aking harapan.

Some girls were gasping while watching the intense fight in front of us. Ipinagpatuloy ko ang paghithit-buga at bored na pinanuod ang pagsasapakan ng mga putang inang pulpol na estudyanteng parehas maiinit.

One of my men got pissed at the cafeteria before I could even have my fucking lunch. Ang ending, pare-parehas kaming napadpad sa gym para panuorin silang magpatayan.

"Tang ina, ano 'to?" natatawang tanong at tabi sa akin ng kakambal kong si Toine.

He pulled his vape and joined me. Napapailing ko siyang nilingon.

"Masyadong mainit hindi na makapaghintay sa labasan."

He smirked devilishly at me. Napailing na lang rin.

"Akala ko ikaw na naman eh. Papunta na dito 'yong mga guard kanina halos kasabay ko lang kaso no'ng binanggit na Rozovsky hindi na tumuloy."

Isang mahabang hipat ang ginawa ko pagkatapos ay tumingala pala ibugang muli ang usok sa ere. Lumakas ang hiyawan habang patuloy na nagsusuntukan si Drake at ang nakainitan nito kanina.

There were blood on their faces. Wala ni isang umawat hangga't wala ang hudyat ko. This was the longest fight so far. Usually, nangyayari ang ganito sa labas ng university pero dahil gusto nang magpatayan ng dalawa ay pinagbigyan ko.

"Where the fuck have you been?" kunot noo kong baling sa kakambal ko, ngumisi lang ang gago.

"Kumain."

Mas lalong nag-init ang ulo ko. Humalakhak siya at tinapik ako sa braso.

"Tapusin mo na 'yan tangina."

"Fuck off. Hayaan mo sila. Tangina hindi ako nakakain dahil sa mga 'yan," ikinumpas ko ang isang kamay. Agad lumapit sa akin si Frank. "If you need to call the morgue, do it. I'm fucking outta here."

Tinapik ko si Toine at ibinilin na hangga't walang nalalagas na ngipin sa dalawa ay huwag ihihinto ang laban. Tumango lang ito kaya walang sabi ko na silang iniwan sa gym.

I continued puffing my vape, walang pakialam sa mga nakakalanghap sa usok nito.

Dirediretso ako sa paglalakad. Sa bawat hakbang ko ay kusang humahawi ang mga estudyante para bigyan ako ng daan. Nanatiling magkasalubong ang aking mga kilay, hindi lang dahil sa tindi ng sikat ng araw kung hindi pati na rin sa mga lalaking sinusundan ako ng tingin.

My men was with Toine. Sa dami ng nakaaway namin sa lugar na 'to ay marami na ring nag-aabang ng ganitong scenario na mag-isa lang ako, but I am not scared. Hell, I am a Rozovsky. Alam nang lahat kung gaano kabigat ang magiging kapalit kapag nagalaw ni isang hibla ng buhok ko.

"Thelonius, you stupid fuck!"

Napangiwi ako't natigil sa pagpasok sa cafeteria nang marinig ang matinis at galit na sigaw ng babaeng 'yon. Tamad ko itong nilingon pero bago ko pa siya makita ay nauna ko nang naramdaman ang malakas na kamao nito sa panga ko.

It wasn't that hard, but it caught me off guard. Nabitiwan ko ang aking vape.

"You're evil and you belong to hell!"

Sapo ang panga ko siyang tinitigan. "Tell me something I don't know." I said coldly and pissed.

Umangat ulit ang kamay niya pero sa pagkakataong iyon ay maagap ko na iyong nahawakan!

The Girl Under His Red Sheets [The Rozovsky Heirs 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon