CHAPTER 10

86K 1.9K 116
                                    

Chapter Ten

Help Me


Slave:

Master nasaan ka na?

Slave:

I'm waiting for you.

Slave:

Hey, answer your phone.

Slave:

Thelonious! Ano ba! Where are you?!

Napabuntong-hininga ako sa sunod-sunod na pagsidatingan ng mga mensahe ni Soraia sa aking telepono. I was on my way to the party when my father called me for an emergency. Akala ko magiging mabilis lang pero hindi ko inakalang aabutin ako ng dalawang oras sa pakikipag-usap sa tanginang bobong Chinese na 'yon.

Inis kong tinanggal ang suot kong neck tie. I was pissed because the deal was off. Ngayon tuloy ay may mas malaki pa akong kailangang asikasuhin dahil sa hindi pagsuko ng mga bagong dating na sindikatong gusto pa yatang kalabanin ang ama ko.

I heave a sigh when I saw her calling me again. Kanina pa nagsimula ang party at ilang tawag na rin ang natanggap ko sa kanya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sagutin ang huli. Malapit na rin naman ako.

"You're a liar, Thelonious! Ang kapal ng mukha mong hindi pumunta! I hate you! I fucking hate you!" napangiwi ako sa pagbungad ng galit at malakas niyang sigaw sa kabilang linya.

"I'm on my way–"

"Saan?! Huwag mo na akong lokohin!"

I was about to shout at her for shouting at me again, but then I found pity when I heard her voice cracked. Sa kung anong dahilan ay nakaramdam ako ng kaunting simpatya. What she was doing was like a matter of life and death. Alam kong hindi niya ibababa ang pride para sa akin kung hindi napakaimportante sa kanya ng bagay na ito.

"I said I'm on my way. Natatanaw ko na ang hotel."

"Stop lying! Sobra ka na! Sobra na!"

Humigpit ang kapit ko sa manibela nang magpatuloy ang panginginig ng kanyang tinig.

"Are you drunk?"

"Wala kang kwentang tao! Sinungaling ka!"

Imbes na makipagtalo pa ay ibinaba ko na lang ang tawag. Yes, she was definitely drunk. I stepped on the gas at wala pang limang minuto ay naglalakad na ako sa lobby papasok sa grand hall. I tried calling her, but she wasn't answering her phone. She was nowhere to be found, too.

Mabuti na lang at halos lahat ng naroon ay parang ako ang hinihintay kaya madaling napunta sa akin ang atensiyon. I greeted some people, mingled with familiar faces, but I did not stop searching for her until Syver finally found me.

Problemado ang mukha niya pero nang makita ako ay agad iyong umaliwalas!

"Mr. Rozovsky! What a surprise! I'm so glad you've made it!"

I plastered a smile and then shake his hand. Sandali akong nakipag-kumustahan pero hindi na rin natiis ang magtanong.

"Where's Soraia?" I interjects in the middle of our conversation.

Bahagya siyang natigilan, napalinga sa paligid at nang hindi makita ay kinuha na ang telepono para tawagan ito.

"He's here Raia and he's waiting for you. Pumunta ka na kaagad. Yes, bilisan mo!"

Hinayaan kong ipakilala ako ni Syver sa mga kakilala niya. I didn't need to impress anyone because my name already did that for me. Gaya ng deal namin ni Soraia, ginawa ko ang parte ko at hindi ako nagsinungaling. I even applauded Syver to his colleagues and other business men and he that made him grateful of me.

The Girl Under His Red Sheets [The Rozovsky Heirs 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon