CHAPTER 24

84K 2K 283
                                    

Chapter Twenty—Four

Morals And Pride



"May sira na talaga 'yang utak mo."

"Leave me the fuck alone, Toine."

"And what? Let you ruin your life? Putang ina, ano bang plano mo sa buhay, ha? Why can't you tell me?"

"Just fuck off."

Inis ko siyang hinawi sa aking harapan bago nagpatuloy sa pag-aayos ng aking neck tie.

Tonight is the night of the engagement party. My father didn't know about my plans. No one actually know what I am up to. Kahit nga ako, kahit isang linggo ko nang pinag-isipan ang gagawin ngayong gabi ay hindi ko pa rin lubos makita ang sarili ko sa gano'ng posisyon. I am still unsure on what to do. Bahala na lang siguro mamaya kung ano ang magagawa ko. Let the fucking game on.

My brother continued pissing me off. Kung hindi pa tumawag ang girlfriend niya ay hindi pa ako tatantanan.

"You're lucky Olivia needs me."

"Good and leave me alone. I don't need you."

Tumagal ang pagtulala niya sa akin habang patuloy kong inaayos ang sarili. Nang lumihis ang mga mata ko't magkatitigan kami sa salamin ay napailing na lang ito. He answered his phone and walk out of my room.

Isang malalim na buntonghininga ang kumawala sa aking bibig. I just fixed my hair to shake off my nerves, but my jaw clenched again when my phone beep for a text message.

Tumalim ang titig ko sa aking cell phone nang sa unang pagkakataon ay muli kong makita ang text ni Soraia sa aking screen.

Slave:

Owen told me he invited you to our party. Is that true? Are you coming? Please tell me you're not.

Slave:

I don't want to see you anymore Thelonious so please don't make me regret losing my virginity to you.

Marahas akong napalunok sa nabasa. Ang neck tie na kaaayos ko lang sa aking leeg ay inis kong tinanggal dahil sa tensiyong bigla kong naramdaman. Iritado kong inihagis ang bagay sa aking kama bago nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:

Don't be so full of yourself. I am not going there because of you. Huwag kang ilusyunada.

She replied right away.

Slave:

Hindi ako ilusyunada. Basta sinasabi ko na sa 'yo, huwag na huwag mo na akong guguluhin. Huwag mo na akong pakialaman dahil wala kang karapatan.

Dumiin ang bawat pagtipa ko ng mensahe dahil sa mas pagtindi ng iritasyon. The audacity of her to talk to me like this.

Ako:

Wala akong pakialam sa 'yo. Malaya kang gawin ang gusto mo at bahala kang magpakatanga habang buhay. Malaya kang sirain ang buhay mo kapalit ng kayamanang pinaghirapan ng mga makasarili mong magulang.

Slave:

Okay. You are entitled to your opinion. I will do my thing so please, just do yours, too.

Hindi na ako nag-reply. Tuluyan na rin akong nawala sa mood at halos banggain ko lahat ng sasakyan sa daan patungo sa letseng venue ng kasiyahang 'yon kahit na labag na sa loob ko ang gagawin.

I don't know why I couldn't let this one go. Pakiramdam ko, kapag hinayaan ko ngayong gabi ay wala na akong magiging tiyansa pa.

I really just pity her. Iyon lang ang nararamdaman ko. Matapang at walang inuurungan si Soraia. Sa maiksing panahong nakilala ko siya ay walang pagdadalawang-isip na nakitaan ko siya ng maraming potensiyal para maging successful gamit lamang ang sarili niya, but she couldn't do that anymore if she will be trapped into that arrangement. She doesn't deserve to marry such a loser just to please everybody around her. That was just pathetic.

The Girl Under His Red Sheets [The Rozovsky Heirs 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon