Chapter 34 - Opportunity Knocks Once

298 16 76
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR - OPPORTUNITY KNOCKS ONCE

Rice Crawford POV

Inilibot niya yung mata niya. Kala niya di ko alam ah. "Tsk. Ikaw nga hindi ako tinitigilan e. Tapos, sinabihan mo pa si mama na huwag akong ihatid. Ang sama mo, Dong, ginawa mo pa akong yaya kanina sa isang store, kaya mo rin palang utusan yung saleslady. Paulit ulit yung topic na di naman--"

Hindi ko napigilan. Ang dami niyang satsat. Nakakap*ta! "Pwede ba kitang ligawan?" Ayan, para akong g*go na pinagsisihan yung kakatanong ko. Nagulat ko ata siya. Ayan tuloy, f*ck, yung sasakyan ko!

Para akong t*nga na hindi alam yung gagawin kaya agad nalang akong napapreno. "F*ck!" Sigaw ko, sabay tingin sa nagkalat na shake sa sasakyan ko.

*Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake
I shake it off, I shake it off
I, I shake it off, I shake it off
I, I shake it off, I shake it off--*

Argh! B*stard f*ck! Aksidenteng natamaan pa ng siko ko yung power on ng radyo kaya biglang umandar, Shake it off pa yung kanta. -_- P*ta. Ba't ang daming Taylor Swift sa storyang 'to? Naging girlfriend ko rin ba siya?

Inoff ko 'yun at pareho kaming natameme ni Bunganga ng ilang sandali. Ang p*ta ko kasi, ba't ko ba naman sinabi 'yun?

"Hala-hala-hala-hala-sheet-sorry!" Mabilis na pagsabi niya. Binuksan niya ang pintuan para lumabas. "Naku, pa'no 'to? Wala akong pangpunas jan, basa na yung palda ko." Pagworry pa niya.

Binuksan ko yung compartment ng sasakyan at kumuha ng pangpunas doon. Sh*t, sasakyan, I'm so f*cking sorry.

Mga dalawampung minuto rin natapos yung pagpunas namin ni Bunganga sa upuan ng sasakyan at habang tinutulungan niya akong magpunas, hindi matikom yung bunganga niya sa pagsabi ng sorry.

Ako naman, hindi matigil sa pag-iisip kung bakit ko ba 'yun sinabi pa.

"Sorry, ahm, ano, teka, ano ba kasi yung sinabi mo? Ligaw?" Wika niya nang maayos na ang lahat at nakaupo na ulit kami sa loob ng sasakyan.

Nataranta ako. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. F*ck lang, sa tanang buhay ko, ngayon lang ata ako nakakaramdam ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa itatanong ko. Ano bang klaseng mangkukulam 'to si Bunganga. Argh f*ck! Napahiya ako roon ah.

"Ah -- ano, huwag m-mo nang... pansinin." Bw*set! Nauutal pa ako. Ang epic fail ko naman sa harapan niya. Hindi naman ako ganito sa harap ng ibang mga babae e.

Tinignan niya ako ng may pagtataka. "Narinig ko 'yun e." Malamang. Sinabi ko e.

Pero, para akong binuhusan ng ice cubes. Bakit ganito? Bakit ako kinakabahan. "O, narinig mo naman pala e. Sabi ko naliligaw tayo pero naalala ko na pala yung daan kaya okay na."

"Huh? Eh dinig na dinig ko 'yun e. Sabi mo pa nga--"

"Ang kulit mo! Bingi ka diba? Mali yung narinig mo. At tsaka, manigas ka nga diyan, di kita type."

"Ah ganoon? Bingi ako. Tsaka edi mabuti. Di rin naman kita type." Sabay cross arms niya. Alam niyo, nakakasakal na talaga yung babaeng 'to. Kanina pa siya e. Akala niyo kung sinong mala-anghel, yun pala may pagkamaldita't pilosopo din. Pero tae, nasuntok ako sa sinabi niya ha.

Hindi nalang ako nagsalita buong biyahe. Pambihira kasi siya e, siya na nga 'tong nakabuhos ng napakamahal na shake sa napakamahal kong sasakyan, siya pa yung galit. Pambihira talaga.

Pagkarating namin sa bahay niya. "Bunganga, pabati nalang kay Mrs. Lazaro."

Inarapan niya lang ako at lumabas sa sasakyan. Aba't ang ayos nang pagkasabi ko noon ah. Nakakainis talaga si Bunganga, sa lahat ng tao, ako lang ata yung tinatarayan niya e. Ewan ko ba kung bakit ko pa siya nagustuhan.

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon