Chapter 43 - The Revelation |part 2|

306 16 73
                                    

CHAPTER 43 - THE REVELATION |PART 2|

"Bakit mo pa ako tinakasan kung dito ka lang naman pala mapapadpad? F*ck, Bunganga, nag-alala ako."

"Ewan, ni ako nga walang ideya, tsaka buhay pa 'ko kaya wala kang dapat ipag-alala."

Iniwagis niya ang dalawang kamay niya. "'Yun na nga e. Hindi mainit ang mga kidnappers ngayon. Hindi rin ibig sabihin no'n, ligtas na tayo. Lalo ka na."

Hindi ako sumagot. Oo nga noh, yung mga kidnappers na 'yun. Tch, hindi ako makapag-isip ng maayos lalo na sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?" Kinamot niya yung batok niya bago lumapit sa 'kin. "Yuck, ni hindi ka pa nagpapalit. Halika, uwi na kita sa inyo. Nag-aalala nadin yung dalawang pamilya mo." Hinawakan niya yung kamay ko tapos hihigitin sana ako palabas ng stockroom pero kahit ayoko, imbes na bitawan yung kamay niya, pinigilan ko nalang siya gamit ng paghawak nang mahigpit dito kaya napatingin siya sa direksyon ko.

"Ayoko. Ayoko munang bumalik sa bahay." Then lumingon ako sa painting. "Dito muna ako."

"Bunganga, wag nang makulit..."

"Hindi kita kinukulit. Ayoko lang talagang umuwi."

"Makulit ka. Halika na nga, magpapalit ka pa e."

"Ikaw ba ang may gawa nito?" Pagturo ko sa painting. Tsaka, pagchange ko narin ng topic. Ayoko ngang umuwi, diba? Mas makulit pa nga siya sa 'kin e.

"Malamang. Sino pa ba yung makakaalam niyan?"

"Suplado."

"Change of topic. Halika na nga." Sabay higit niya sa 'kin.

"Ayoko nga e!" Ba't ba mapilit 'to.

"At ano'ng gusto mo? Nakanight gown ka pa o, kay aga-aga."

Waaah, nawala rin ba yung brains nito dahil kagabi? "Buhay Kulangot! May mall sa itaas."

"O ano ngayon?" Minsan talaga ang sarap batukan ni Kulangot.

Binawi ko yung kamay ko na hawak-hawak padin niya mula kanina. Itinuro ko ang painting. "So, ikaw nga ang may gawa nito? Kahit kailan, magaling ka pa rin."

Tumawa siya ng kaunti. "Ginagamit mo parin ba yung mga itinuro ko sa 'yo noon?"

I smiled. Yes, si Kulangot na mukhang ewan ang nagturo sa 'kin kung paano magpinta. "Si Neil ang nagturo sa 'kin." Sasagot pa sana siya nang may naalala ako. "Bakit nga pala Rice yung bagong palayaw na ginamit mo. I mean, maiintindihan ko pang Neil kasi nga Cornelius diba? Ibig kong sabihin, bakit hindi Corn?"

"Gusto mo talaga akong magmukhang pagkain ah."

"Pagkain din naman yung Rice ah."

Doon siya natigilan. "Heh! Mas panget yung Corn." Ay nainis ata.

"Hindi ba obvious ang Rice?"

"Nakakabobo ka Bunganga. Ewan ko kina Fred. Sila yung nagsuggest no'n. Scrambled letters daw ng pangalan ko!"

"Bobo ka naman talaga e. Wala ka nang ikakabobo pa." Sabay ngiti ko dahil biglang nagturn yung ekspresyun niya na parang nabw*set siya bigla. Pikon talaga since birth e.

"Ano'ng konek ng Rice sa bobo? Tch, ikaw ata diyan e."

"Hoy, scholar ako sa Porcupine Academy!"

"ASA! IKAW?!" Sabay tingin niya sa 'kin baba-taas.

Namiss ko 'to. Namiss ko ang dating kami kung saan wala pang Saoirse o Neil.

"Ahuh. Gulat ka?" Sabay flip ng hair ko. Chos, hindi ko naman talaga scholarship yun e. Kay Lorraine Lavilles naman yun originally, nakisakay nalang ako. Nakakainis nga e dahil kailangang may imentain na grade pero wala na akong masip no'n. For the sake of my pagpapanggap kailangan kong umakto na parang si Lorraine Lavilles na marunong mag-aral. "Tara sa taas."

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon