Chapter 12 - The Deceiver

601 37 54
                                    

CHAPTER TWELVE - THE DECEIVER

Nasaan na ba si Mathew? Akala ko sabi niya ihahatid niya ako papuntang bahay dahil nga siya yung nakabunot ng ganoong punishment sa Bowl Of Torns. Hay! Nakakainis siya. Pagkatapos akong halikan ni Dean, bigla nalang siyang umalis at yung face niya, mukhang galit. Ano ba ang problema niya. Ayan tuloy, dahil umalis siya kaagad pagkatapos na pagkatapos ng pay namin, edi, eto, ako nalang yung umuwi papuntang bahay. I think kaya ko naman kahit nakajeepney eh at hindi naman masyadong magabi. 

Pero anyway, wala naman masamang nangyari sa pagride ko using a jeepney, everything's fine. This time, wala akong katabing mabaho. Or wala akong may nameet na set of friends na kung makapagchika, wagas. In short, I went home safe. hay, super pagod ako ngayon, gusto ko nalang matulog kaagad.

I opened the door to my house, pumasok ako to find my mother. "Hi ma ano ba yung ulam natin for the day?" Tinanong ko siya. 

"BAKIT NGAYON KA LANG?!" Nagising ako sa boses-kidlat ni mama, ano na naman ba yung problema nito? Brown-out ba kaya hindi niya mawatch yung favorite teleserye niya?

"Ma, why, what's the problemo?" Tanong ko sa kanya.

"HUWAG MO AKONG IPROBLEMO-LEMO DIYAN HA!" Sabi niya tapos lumakad papalayo sa akin. Pumasok ako sa bahay. Tapos isinira ko yung door. I checked the time from my watch. Oh, hindi naman ako late sa curfew ah. Ang aga-aga pa nga para malate ako sa curfew. 4:15 pm pa lang o'! Ano ba ang ikinakagalit neto. I looked at the lights, Oh, hindi naman brown-out eh. Nagsalita si mama. "SABIHAN MO IYANG NOBYO MO HA! TIGILAN NIYA NA ANG PAGPUNTA DITO AT ANG PAG-ABOT NG BWISET NA SULAT! HINDI AKO MESSENGER!"

"Hah?! May sulat na naman? Ma? Sorry pero hindi ko boyfriend kung sino man iyun, hindi ko nga alam kung sino yung nagpadala ng sulat eh." Sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sa iyo, ayan, yung ulam natin color black na dahil he distracted me habang nagluluto ako, kaya ayan, nakalimutan ko tuloy na may linuluto pa pala ako." Sabi ni mama. At, buti naman at medyo kalmado na siya.

I rushed immediately sa cabinet sa harap ng mirror and I saw it. Isang malaking red envelope. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko kasama yung bag ko. Habang nasa loob ako ng kwarto, humiga ako kaagad sa kama. Waah, gusto ko na talagang matulog, lalo na at malamig yung panahon ngayon. 

I opened the red envelope to find this: Another letter from my mystery man.

Dear Lorraine,

Second Warning mo na ito, Layuan mo si Mathew! Concerned lang ako sa iyo. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin. Please, go away before he learns the truth. Nagtataka ka siguro kung sino ako. 

Ako ang tanging taong nakaka-alam ng lahat.

Ganito lang yung nakasulat sa red envelope. 

Wow. Nakaka-alam ng lahat? Ano siya? Reader of Thoughts? Bakit, alam niya ba kung anong brand ng napkin ko? Hindi naman siguro. Alam niya ba kung ilang taon ako nung nakakain ako ng tae? Hindi naman eh. Wrong send ba ito? Urh, sino ka ba talaga?!

Hindi ko nakasulat-kamay kaya wala talaga akong lead. Geez, ang alam ko lang, hindi taong-grasa ang gumawa nito dahil nga printed, so ibig sabihin, may computer ang sumulat nito sa bahay.

I threw the envelope away. Joke lang, ilinagay ko lan sa tabi, kung itatapon ko iyan siguro, baka patay na ako ngayon sa kakasermon ni mama.

Gustong-gusto ko na talagang matulog pero there's just something in me that I really really want to see kung may nagmessage na ba si Dean sa'kin.

So I opened my bag, and got my phone.

Nabasa ko na at nadelete lahat ng mga random messages from unknown strangers kaya kitang kita kung ilang ang mga new messages ko. Wala. Walang new text from Dean. 

Love Behind A Thousand LiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora