Chapter 01 - Bowl Of Torns |part 2|

706 63 59
                                    

-----CONTINUATION-----

Padabog akong pumunta sa seat ko. Hindi niyo gugustuhing malaman kung ano ang nabunot ko dahil hindi naman kayo makakarelate pero anyway, sasabihin ko parin ang parusa ko. Ito ay isang malaking patunay na malas ang araw na ito:

'Advance English Exam this Saturday'

Gets niyo na kung bakit naiinis ako sa English teacher ko? Halimaw siya. Ang sarap niyang lutuin sa mantika at ipakain sa mga anay!

Pagdating ko sa seat ko, nageye-contact kami ni Jane, kaclose friend ko si Jane Villalobos, kaso hindi ko siya best friend, meron na 'yun eh. Pero dahil close friend ko siya, alam ko kung ano ang gusto niyang iparating. Curious siya kung ano ang nabunot ko. Ang kulet 'no. Two feet away lang kami sa isa't isa, nag-a-eye language pa kami. Demoñita kasi 'yang si ma'am eh, bawal magtalking.

Nagnod ako kay Jane. Ibig sabihin niyan, sasabihin ko sa kanya sa next period.

"Now, listen to me, class. The indirect object should be blah blah blah.." Sabi ni Ms. B*tch-na-mataba-na-malaki-ang-butas-sa-ilong. "Blah... blah... blah..." Ang aga-aga, nakakaantok ang boses niya. Halos lahat kami sa klase, naglalaway na sa kakapigil ng antok.

"Now, get one whole sheet of paper. We will have a 50-item quiz." Kinuha ko na ang papel na ninakaw ko sa malditang si Cathlyn.

Ang hirap ng quiz, kung mahirap ang quiz, ano nalang kaya ang magiging score ko sa exam. Hindi pa naman ako masyadong magaling sa English. Nakakalungkot talaga.

RINGG!!!!

"Thankyou and goodbye, class." Hay salamat, aalis na si Ma'am Mukhang-paa-ni-pacman.

"Thankyou and goodbye, ma'am." We all said in chorus.

"See you this Saturday, Ms. Lavilles." A devil smile. Alam na alam ko ang smile na 'yun. Hay, Demoñita talaga. Sarap itapon sa Neverland para hindi na makabalik.

"Uy Lola /Lowla/, ano ba ang nabunot mo, bakit sabi ni ma'am Barrille, see you this Saturday?" Nagtatakang tanong ni Jane. Take note, Lola po yung nickname ko and it's not pronounced as lola na pangmatanda. It's pronounced as "Lowla", pangsosyal daw ang ibig sabihin niyan sa ibang linguahe.

Classmates since second year pala kami ni Jane. Pero kahit maliit lang ang time na we spent together, naging super close kami. Isa siyang jolly and sweet girl at isa rin siyang light-hearted queen of computer games. Mahilig siya sa mga online games at unbeatable siya ngunit wala sa mukha niya ang pagiging bad-ass sa paglalaro online. She looks so sweet. She's like an angel. Kulang nalang ay pair of wings at isang pink na halo. Magaan kasi siyang kasama.

Binigay ko sa kanya ang papel na nabunot ko at lumaki kaagad ang mga mata niya. Bilang isang honor student, gulat na gulat siya sa parusa ko. "Grabe, ang malas mo naman, Lola." Like that statement helps.

"Alam ko Jane, hindi mo na kailangan sabihin."

"Don't worry, isipin mo nalang na mas maswerte ka kay Mqhdjx."

"Ha?" Hindi ko narinig ang huling salita na sinabi niya. Minsan kasi bingi ako.

"Ikaw talaga, mas bingi ka pa sa aso ko. Hihihi, sabi ko, mas maswerte ka pa kay Meowmeow."

Hahaha, nagets ko sinabi niya. Sabay naming tiningnan si Cathlyn. Tama nga siya, hindi ko dapat isipin na malas ako dahil mas malas si Meowmeow, panget boyfriend niyan eh.

Kulot ang buhok ni Geffen na abot hanggang balikat at mukha siyang tae ng kalabaw pero sobrang yabang niyan at kung makipagflirt wagas.

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon